PSN True Confessions ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Nunal (11)

“ANONG apelyido ni Bianca?’’ tanong ni Ro­bert sa waiter.

‘‘Hindi ko alam, Sir. Baka nga alyas lang niya ang Bianca.’’

“Matagal na siya rito?’’

“Bago lang Sir. Baka mga one month pa lang.’’

“Pero siya na ang star dito di ba?’’

“Opo. Inagaw nga niya ang korona kay Marge.’’

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

“Sino ‘yung Marge?’’

“Yung dating dan­cer, nalaos na kasi. Mas bata kasi si Bianca at talagang maganda. Kita mo naman Sir ang itsura.’’

‘‘Oo nga. Parang nakakaadik ang beauty ano?’’

Maya-maya nagpa­alam ang waiter. May pupuntahang customer.

“Sandali lang Sir! Babalikan kita Sir.’’

“Sige.’’

Pinagmasdan ni Ro­bert ang mga dancer na nagsisimula nang gu­miling-giling. Papalit-palit na ang ilaw pero marahan lang. Malu­manay pa ang music. Pero habang tumatagal ay bumibilis na. Nang ilipat ni Robert ang pa­ningin sa mga katabing customer pawang nakatingin sa entablado at nag-aabang sa mga mangyayari.

Ibinalik niya ang tingin sa stage at pinagmasdan si Bianca na may body number 13. Nang bahagyang tumalikod, nasapol niya ang nunal sa likod ng hita. Kitang-kita ang nunal nito kahit pa bahagyang madilim sa bahaging iyon ng stage. Lutang na lutang si Bianca sa iba pang dancers. Bago pa lang dito si Bianca pero umaagaw na ng pansin.

Maya-maya duma­ting ang waiter na ka­usap niya kanina.

“May order ka pa Sir? Ubos na ang beer mo.’’

“Bigyan mo pa ako ng dalawang bote.’’

“Okey Sir.’’

Nang bumalik ang waiter ay dala na ang dalawang beer at bucket ng yelo.

Muli niya itong tina­nong ukol kay Bianca.

“Baguhan ba talaga ‘yang si Bianca?’’

“Opo. Dito lang yata nag-umpisa yan.’’

“Bakit ang husay at nasapawan ang iba?’’

“Hindi ko alam Sir.’’

“Paano ko siya ma­kakausap?’’

“Mahirap makausap yan Sir!’’

“Bakit?’’

Umiling lang ang waiter.            

(Itutuloy)

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: