PSN True Confessions ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Nunal (10)

PANININDIGAN na ni Robert ang sinimulang paghahanap sa babaing may nunal sa likod ng tuhod. Nasimulan na rin lang niya ang paghaha­nap, ituloy na niya. Baka sa paghahanap ay maka-kita na siya ng babaing may nunal sa likod ng tuhod.

Nakakatawa man ang ginagawa niya, ipagpapa-tuloy na niya. Pero walang ibang makaaalam ng kanyang ginagawang paghahanap sa babaing may nunal sa likod ng tuhod. Naniniwala siya sa sinabi ng kanyang namayapang ina na ang babaing may nunal sa likod ng tuhod ay perfect na kasama sa buhay. Batay sa surbey, ang mga babaing may nunal sa likod ng tuhod ay maligaya ang married life. Wala ring naghiwalay, batay sa surbey.

Kaya pinal na ang pasya ni Robert na ipagpatuloy ang paghahanap sa mga babaing may nu-nal sa likod ng tuhod.

Nagsawa na siya sa pagbuntot-buntot sa mga babaing nakapalda at nag­lalakad sa Ayala Avenue at iba pang mataong lugar. Delikado rin ang ginagawa niyang pagbuntot-buntot sa mga babae at baka mapagbintangan pa siyang kidnaper o holdaper. Mahirap na. Baka sa pagbuntot niya ay mapahamak siya. At halimbawa ay may nagreklamo, ano ang ikakatwiran niya? Sasabihin ba niyang naghahanap lamang siya ng babaing may “nunal sa likod ng tuhod”. Hindi siya paniniwalaan at baka mapagbintangan pa siyang sira ang ulo.

Kaya sa Pugad-Uwak KTV bar sa Pasay ang pi­na­kadabest na lugar para maghanap ng babaing may nunal sa likod ng tuhod. Siguro naman kahit isa ay may makikita siya.

Hanggang sa maalala niya ang star dancer sa Pugad-Uwak KTV na may nunal sa likod ng hita. Ano kaya ang ibig sabihin niyon? Ito lamang sa mga dancer sa Pugad-Uwak ang may nunal.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Babalik siya sa KTV at baka makatiyempo.

MAKALIPAS ang dalawang araw, solong nagtungo si Robert sa Pugad-Uwak KTV. Mas kompor-table siya kapag nag-iisa. Nakakapag-isip siya nang tama at nakakapagpasya nang maayos.

Pinili niya ang mesa sa sulok.

Lumapit ang waiter at kinuha ang order. Dalawang beer, isang order ng bagnet at crispy mani.

Hanggang sa magparada na ang dancers sa entablado. Tutok na tutok siya sa mga ito.

Natawag ang pansin niya ng Number 13 na dancer.

Tinanong niya sa waiter ang pangalan ng dancer. Bianca raw ang pangalan nito. (Itutuloy)

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: