^

True Confessions

Nunal (7)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

GUMIGILING na ang mga dancer sa entablado. Ma­harot ang music na parang nagpapayanig sa kabuuan ng KTV. Nala­langhap ni Robert ang usok ng sigarilyo. Hindi siya sanay sa ganitong lugar. Parang tumutusok sa utak niya ang usok ng sigarilyo.

Dumating ang kani­lang order na beer at pulutang crispy pata.

“Inom na tayo mga friend. Mas masarap ma­nood ng mga kilo-kilong karne kapag may karga­,” sabi ng isang ka­sama sabay dampot sa malamig na beer at tinungga. Nang ibaba ang bote ay kala­hati ang laman. “Sarappp!’’

Ang isa pa nilang kasama ay dumampot na rin ng beer. Uminom. Nang ibaba ay mataas na kalahati.

“O Robert, inom ka na! Hindi naman mawawala yang pinanonood mo. Inom na!’’

Dinampot ni Robert ang isang bote. Peo bago ininom ay namulutan muna. Masarap ang crispy pata lalo nang isawsaw sa espesyal sauce. Nang makapamulutan, saka tinungga ang beer.

“Sarappp!” sabi niya makaraang ibaba.

“Okey dito ano, Ro­bert?’’

“Oo. Wala akong masabi.’’

“Maya-maya pa, wala nang damit ang mga ‘yan. Ihanda mo ang mga mata mo, Robert at baka ma-shock ka.

Maya-maya pa, nag-iisa na lamang sa gitna ng entablado ang dancer. Nakatalikod ang dancer.

Hanggang nakita ni Robert ang nunal sa likod ng kanang hita. Maitim ang nunal. Sayang, bakit hindi sa likod ng tuhod.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with