^

True Confessions

Nunal (6)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

PERO kahit madalas ma­bigo si Robert na makahanap ng babaing may nunal sa likod ng tuhod, hindi pa rin siya titigil at walang balak sumuko sa paghahanap. Makakati­yempo rin siya ng babao o dalagang may nunal sa likod ng tuhod at ito ang pagpipilitin niyang mapangasawa.

Marami pa siyang nagawang research ukol sa mga nunal na nasa katawan ng tao at pinag-aralan talaga niya ito. Tanging ang nunal sa likod ng tuhod ng babae ang kakaiba sa lahat sapagkat ayon sa isang artikulong nabasa niya, karamihan sa mga babaing may nunal sa bahaging iyon ay nagta­tagumpay sa pag-aasawa. Walang nairekord na pag­hihiwalay ang mga babaing may nunal sa likod ng tuhod. Ibig sabihin, perfect na kasama sa buhay ang babaing may nunal sa likod ng tuhod.

Kaya sa halip na pang­hinaan ng loob si Robert sa paghahanap ng may nunal sa likod ng tuhod, lalo pa siyang naging ma­sigla sa paghahanap. Magiging matiyaga siya at hindi susuko.

Minsan, niyaya si Ro­bert ng dalawa niyang officemates na maghapi-hapi. Kapwa may asawa na ang officemates niya.

Humantong sila sa isang KTV Bar sa Pasay. Minsan nang naisama si Robert ng officemates sa ganitong lugar.

Tamang-tama ang dating­ nila sa lugar – happy hour daw.

Pagpasok nila sa KTV ay nakita nila ang mga babae sa stage na umiindak-indak na. Sa dakong unahan – malapit sa entablado sila pumuwesto.

“Tamang-tama ang da­ting natin,” sabi ng ka­sama niya.

“Oo nga. Makaka­pag-enjoy tayo. Kalimu­tan muna natin ang trabaho,’’ sabi ng isa pa.

Nakapokus naman ang tingin ni Robert sa mga nagsasayaw. Bigla may naisip siya. Mayroon kayang may nunal sa mga babaing ito?

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with