^

True Confessions

Nunal (5)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

KUNG may makakakita sa kanya sa pagsunod sa babaing may nunal sa likod ng tuhod ay sasabihing “weird” siya. Pero hindi niya maaaring palampasin ang babaing nasa unahan niya na may nunal. Susundan niya ito kahit ano pa ang mangyari. Sigurado siyang nunal ang nasa likod ng tuhod ng babae.

Tumawid sa overpass ang babae at sinundan ni Robert. Mabilis maglakad ang babae na halatang sanay maglakad. Talo pa siguro siya sa lakaran. Ngayon nga lang siya nakapaglakad nang malayu-layo dahil nasanay siyang may kotse.

Patuloy ang pagsunod niya sa babae na sa hula niya ay empleada ng banko. Sa kanyang pakiramdam, maaaring may itsura ang babae base sa ganda ng likuran nito. Maganda ang hubog ng katawan na makikita sa hapit na uniporme. Hanggang balikat buhok nito. Kung hindi siya nagkakamali, mga edad 24 o 25 ang babae.

Patuloy siya sa pagsunod sa babae. Tinutungo na nito ang hanay ng mga banko. Maaaring isa sa mga banko roon ang pinagtatrabahuhan ng babae.

Nang big­lang tumigil ang babae.

Tumigil din si Robert.

Nilingon ng babae ang likod ng kanang tuhod. Bahagyang itinaas para makita. May sinipat doon ang babae. At saka biglang pinagpag ang nasa likod ng tuhod.

Nagtataka naman si Robert kung ano ang pinagpag ng babae.

At nagpatuloy ito sa paglalakad. Napansin ni Robert na wala na ang nunal!

Napahinto si Robert. Iyon ang pinagpag ng babae. Maaaring maliit na bato na dumikit sa likod ng tuhod!

Lumung-lumo si Ro­bert na tinanaw na lamang ang papalayong babae.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with