^

True Confessions

Nunal (2)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

KAHIT limang metro ang layo ni Robert sa babae, kitang-kita ang nunal nito sa likod ng kanang tuhod. Ganun ang nunal na hinahanap niya! Maitim at buhay na buhay. Ayon sa kanyang namayapang ina, kapag ang babae ay may nunal sa likod ng tuhod mapakanan man o mapakaliwa, mada­ling makasundo at mahusay makipagkapwa. Magaling ma­­kisama kaya masarap maging kapartner habambuhay. Ewan naman niya kung saan nakuha ng kanyang mama ang ganung paniniwala. Pero wala namang masama kung sundin niya.

Sinundan ni Robert ang babae na may nunal sa likod ng tuhod. Malay niya baka ito na ang babaing mapapangasawa niya.

Mabilis maglakad ang babae. Umiindayog ang pu­wit sa paglalakad. Ano kaya ang itsura ng mukha? Siguro’y maganda. Hanggang balikat ang maitim na buhok nito.

Kumaliwa ang babae. Sinundan niya. Huwag sanang makahalata na sinusundan niya at baka komprontahin siya. Kakahiya. Paano niya maipapaliwanag na kaya niya sinusundan ay dahil sa nunal nito sa likod ng tuhod.

Kumanan ang babae. Nakasunod pa rin si Robert.

Hanggang pumasok sa isang coffee shop.

Sinundan pa rin niya. Baka dito sa loob sila magkilala ng babae.

Pero nadismaya si Robert sapagkat nakita niya na isang mesa sa dulo ang tinungo ng babae. May naghihintay na pala! May ka-date pala!

Lupaypay na naupo si Ro­bert sa isang namataang mesa. Nilapitan ng babaing crew at umorder siya.

Nang makaalis ang crew, sinulyapan niya ang sinundang babae. Nakikipagtawanan ito sa lalaking kasama. Nakahawak sa kamay ng babae ang lalaki. Kumpirmadong siyota!

Makalipas ang kalaha­ting oras, lumabas na ang babae at lalaki. Nagdaan sa harap niya.

Muli sinulyapan ni Robert ang nunal sa likod ng tuhod ng babae.

Napahinga siya nang malalim.

Sayang!

Inubos niya ang inorder na sandwich at kape at lumabas.

Maglalakad uli siya at bakasakaling makatiyempo ng babaing may nunal sa likod ng tuhod. (Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with