^

True Confessions

Damo sa Pilapil (148)

Ronnie M. Halos - The Philippine Star

“ANG bilis lumipas ng panahon, Love. Matanda na ako. Marami na akong puting buhok,” sabi ni Dulce nang ma­pag-isa na sila ni Zac. Nasa school na ang da-lawa nilang scholars. Si Marina na ina nina Mateo at Noime ay inutusan nila sa palengke. Mula nang maging scholars nila ang  dalawang bata, doon na rin nakatira si Marina para mag-asikaso sa mga ito. Sina Zac at Dulce ang may gusto nang ganoon.

“Ako man ay may   mga puti na ring buhok, Love. Nagpapakita na tumatanda na rin ako,” sabi ni Zac habang naka-akbay sa asawa.

“Pero mas malaki ang tanda ko sa’yo. Ako hukluban na ikaw e macho pa.’’

“Kahit na hukluban ka e mahal na mahal pa rin kita. Walang makapagbabago sa pag-ibig ko sa’yo. Walang hanggan ang pag-ibig kong ito Love.’’

“Alam ko naman, Zac. Maraming beses ko nang napatunayan. Mahal na mahal din kita.’’

“Alam mo masayang-masaya ako sa ginawa nating pagpapaaral kina Mateo at Noime. Ang sarap ng pakiramdam kapag nakatulong sa kapwa ano.’’

“Oo. Napakagaan ng feeling ko.’’

“Siyanga pala, ano raw ang kukuning course ni Mateo sa college.’’

“Business manage-ment daw. Iyon daw ang hilig niya.’’

Aba, tamang-tama pagnagretiro ako sa kompanya natin, siya pala ang igu-groom ko.’’

“Oo nga, Zac. Naisip ko rin yan. Malaki ang paghanga ko kay Mateo. Nakita ko nga sa katauhan niya ang katauhan mo. Magkapareho kayo.’’

“Talagang iisa ang nakikita mo sa aming dalawa?’’

“Oo. Kaya nga hindi na ako nangangamba na kapag nawala na tayo sa mundo sapagkat may magma-manage ng kompanya natin.’’

“Tama ka. Kaya nga ngayon pa lang iti-train ko na si Mateo.

LUMIPAS pa ang mga taon. Magtatapos na si Mateo sa kursong Business Management. Isang umaga, sobra ang kasiyahan nina Zac at Dulce nang isang umaga ay may ibalita si Mateo.

“Sir Zac, Mam Dulce, summa cum laude po ako!’’

“Wow, congrats, Mateo! I’m proud of you!’’ Nasabi ni Dulce.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with