^

True Confessions

Damo sa Pilapil(147)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

KINAUSAP nina Zac at Dulce ang ina nina Mateo at Noime tungkol sa gagawing pagtulong sa pag­papaaral sa dalawang bata. Nagngangalang Ma­rina ang ina nina Mateo at Noime. Wala pang 30-anyos pero matanda nang tingnan dahil naka­bilad sa araw dahil sa pagtatrabaho sa palayan. Nakatira ang mag-iina sa isang maliit na bahay – hollow block ang dingding na walang palitada at ang bubong ay kalawanging yero. Hindi pa tapos ang bahay at nakamatayan na iyon ng asawa nito.

Hindi na nagpaliguy-ligoy pa si Dulce nang ma­kaharap si Marina.

“Gusto naming pag-ara­lin ang mga anak mo, Marina. Sayang ang talino ng mga anak mo. Malayo ang mararating nila. Sana tanggapin mo ang aming alok.’’

Sa pagkagulat nina Dulce at Zac, biglang napa­iyak si Marina. Pero hindi iyon pag-iyak na tumatanggi sa alok kundi dahil sa sob­rang katuwaan. Matagal na raw siyang nagdadasal na sana ay may tumulong sa kanya para ma­pag-arak ang dalawang anak.

“Opo Mam Dulce, Sir Zac, payag na payag po ako sa alok ninyo. Marami pong salamat.’’

“Gagawin naming scho­lars ang dalawa. Libre lahat hanggang makatapos sila sa kolehiyo at kung nais pa nilang mag-aral nang ma­taas pa.’’

“Salamat po.’’

Nalaman nina Zac at Dulce na honor student ang magkapatid. Ipinakita ni Mateo at Noime ang kanilang mga medalya. Matalino talaga ang magkapatid.

Binuhusan ng tulong ng mag-asawa ang pag-aaral ng dalawa. Sa isang bahay na malapit sa school pina­tira ang mga ito para ma­ging madali ang pagpasok. Kasama rin nila ang inang si Marina para mag-asikaso sa mga pangangailangan. Naging katulong na nina Zac at Dulce si Marina mula noon.

HANGGANG  mabilis na lumipas ang panahon. Nagkaroon na ng puti ang mga buhok nina Dulce at Zac. Ga-graduate na sa high school sina Mateo at Noime.

“Parang kailan lang maliliit ang dalawang ito, ngayon ga-graduate na sa high shool.’’

“Oo nga Love!’’

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with