^

True Confessions

Damo sa Pilapil (142)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

INIWAN ni Dulce ang pagtatanim at dahan-dahan na nilapitan ang dalawang bata (isang lalaki at isang babae na marahil ay walo at siyam na taong gulang) para makita ang ginagawa ng mga ito.

Pero bago tuluyang makalapit, nakita na siya ng dalawang bata. Parang natakot at nahiya ang dalawang bata. Hawak ng batang lalaki ang puting sako na lalagyan ng bigas habang nakahawak naman sa kanya ang batang babae.

“Anong pinupulot n’yo?’’ Maayos at marahang tanong ni Dulce habang nakangiti.

“Namumulot po ng bao ng niyog,’’ sagot ng batang lalaki.

“Aanhin n’yo ang bao ng niyog?’’

“Uulingin po namin para maibenta at nang may mabaon sa school.’’

“Puwede bang uling ang bao ng niyog?’’

“Opo. Mas maganda po ang uling ng bao kaysa kahoy.’’

“Talaga?’’

“Mas maganda pong pag-ihawan ng isda o karne.’’

“Ngayon ko lang na­laman ‘yan ah.’’

Napangiti ang batang lalaki. Nakatingin lang ang batang babae kay Dulce.

“Magkapatid ba kayo?’’

“Opo.’’

“Nasaan ang magulang n’yo?’’

“Patay na po si Itay samantalang si Inay po ay nasa bukid at naggagamas sa palayan.’’

“Alam ba ng inyong inay ang pamumulot n’yo ng bao?”

“Opo. Kailangan po namin siya tulungan para makapag-aral kami ng kapatid ko. Kulang po ang kinikita niya sa paggagamas.’’

Nabagbag ang kalo­oban ni Dulce. Mga bata lamang ang kaharap niya pero mga responsible na.

‘‘Anong pangalan n’yo?’’

‘‘Ako po si Mateo at itong kapatid ko ay si Noime.’’

‘‘Marami na ba ka­yong napulot ng bao, Mateo.’’

‘‘Kaunti pa lang po. Wala pa pong kalaha­ting sako.’’

“Paano kung wala kayong mapulot na bao.’’

“Nananalbos po kami ng kangkong at malunggay at tinitinda sa palengke.’’

Humanga si Dulce sa magkapatid.

Ang mga ganitong bata ang karapat-dapat tulungan. (Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with