^

True Confessions

Damo sa Pilapil (132)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NATAPOS ang masa­yang pagbabakasyon nina Zac at Dulce. Sa huling araw nila sa Encarnado Resort ay nag-enjoy si Dulce at halos ayaw nang umahon sa dagat. Sabi ni Zac, babalik uli sila sa resort.

Nang lumuwas sila patungong Maynila, kasama na ang ina at ama ni Zac. Si Dulce ang may gusto niyon. Ipinagsasama rin ni Dulce ang ate ni Zac pero tumanggi dahil may trabaho ito at wala raw tatao sa bahay. Saka na lang daw siya tutungo sa Maynila.

Tinupad ni Dulce ang pangako sa mga biye­nan na ibibigay sa mga ito ang lahat nang kaila­ngang serbisyo.

Isang araw makaraan silang dumating ay dinala niya sa isang pribadong doctor at pina-checkup. Alam ni Dulce na kaila­ngang ma-checkup ang matatanda para matiyak kung okey ang kalusu­gan ng mga ito. Mahalaga ang pag-checkup lalo pa nga’t matatanda na ang mga ito.

Habang sinusuri ng doctor ang dalawang ma­tanda ay nakatingin si Dulce. Gagawin niya ang lahat nang paglilingkod sa mga biyenan. Mahal niya si Zac at mahal din niya ang mga magulang nito. Lahat nang mahal ni Zac ay mahal din niya.

Nakahinga nang maluwag si Dulce nang malaman mula sa doctor na malusog naman ang dalawang matanda.  Wala raw dapat ikabahala dahil nasa mabu­ting kondisyon ang katawan ng dalawa.

Makaraang ipa-checkup, ipinasyal ni Dulce ang mga ito. Kumain sila sa isang sikat na restaurant.

Hindi nila kasama si Zac sapagkat may dinaluhan itong confe­rence.

Nang umuwi sila ng bahay, masayang-masaya ang dalawang matanda. Walang tigil sa pagpapasalamat kay Dulce.

“Bakit ang bait mo sa amin, Dulce?” tanong ng matandang babae.

“Kasi po, mahal na mahal ko si Zac. Ang mahal niya sa buhay ay mahal ko rin.’’

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with