^

True Confessions

Damo sa Pilapil (126)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“YUN nga lang hindi na kita mabibigyan ng anak, dahil ma­tanda na ako,’’ sabi ni Dulce habang sinusuklay ng daliri ang buhok ni Zac. ‘‘Ayaw mo namang mag-ampon tayo.’’

“Okey nga lang sa akin na walang anak. At ayaw kong mag-ampon. Baka bigyan pa tayo ng problema.’’

“Sabagay nga. Me­ron nga akong alam na nag-ampon pero nang lumaki ang bata, naging problema ng mag-asawa. Masama ang ugali ng bata. Nilalabanan sila. At sabi, nagda-drugs daw. Si­sing-sisi ang mag-asawang umampon. Sana raw hindi na lang sila nag-ampon. Para raw silang kumuha ng bato na binagsak sa sarili nilang ulo.’’

‘‘Hindi pa yan, Love. Meron akong nalaman na nagkakagustuhan ang inampon at umampon.’’

“Paano?’’

“Halimbawa, ang inam­pon ay babae, nag­­kakagustuhan sila ng lalaking umampon sa kanya. Ang sama ano?’’

“Ang sama talaga, kakadiri.’’

“Marami nang nangyaring ganyan. Kaya nga di ba ang sabi ko, baka problema lang ang idulot sa atin nang pag-aampon. Huwag na lang.’’

“Hindi ka magbabago kahit wala tayong anak?’’

“Siyempre naman hindi. Noon ko pa sinabi sa’yo di ba? Basta ikaw lang ang iibigin ko.’’

“Gusto ko lang uli marinig sa’yo ang mga katagang yan, Love.’’

“Paulit-ulit kong sasabihin sa’yo na mahal na mahal kita. Ikaw lang at wala nang iba.’’

“I love you Zac. Mahal na mahal kita.’’

 

ISANG gabi, niyaya ni Zac si Dulce.

‘‘Halika, Love, may papasyalan tayo.’’

“Saan Love?’’

“Basta halika.’’

“Saan nga.’’

Pero hindi sinabi ni Zac.

Sumama si Dulce.

Makalipas ang kalahating oras, itinigil ni Zac ang SUV sa tapat ng isang motel.

Gulat na gulat si Dulce.

“Bakit dyan Love? Anong gagawin natin diyan?’’

“Alangan namang magdasal tayo diyan Love.’’

“Zac ano namang kalokohan ang naisip mo.”

“Para maiba naman ang lugar.’’

“Pilyo ka talaga Zac. Baka may ma­kakita sa atin.’’

“Wala. Halika na.’’

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with