^

True Confessions

Damo sa Pilapil (123)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

BUMUKAS ang gate at lumabas si Dulce.

“Hi Love! Ba’t ang aga mo? At nag-door bell ka pa e may susi ka naman,’’ sabi nito sa marahan at malamig na boses.

“Meron lang akong sorpresa.”

“Sorpresa? Anong sorpresa?’’

“Etong kasama ko.’’

“Sino siya Love?’’

“Siya yung binayaran ni Bogs para guluhin tayo Love.’’

“Si Bogs? Aba may balak pala siyang guluhin tayo.’’

“Oo at itong si Janice­ ang kinuha niya para kasangkapanin. Di ba Ja­nice?’’

Putlang-putla si Janice. Hindi makapagsalita. Parang nahuli ng pulis.

“Ilang linggo na akong tinatrabaho ni Janice. Kunwari ay sales rep siya at may inaalok na machine. Pero kanina, nabuking ko na ang plano nila ni Bogs. Nakita ko si Bogs kanina habang nasa restaurant na kinukunan kami ni Janice ng picture. Nahulaan ko, ipa­dadala ni Bogs ang mga picture sa iyo, Love. Isang paraan para mapaniwalaang may relasyon kami ni Ja­nice. Paniniwalain ka na may ginagawa akong misteryo --- nagtataksil ako sa iyo…’’

Putlang-putla pa rin si Janice. Tila nanginginig sa takot.

“Ginamit ka ni Bogs, Ja­nice. Magkano ang offer niya sa’yo. Sige magtapat ka na. Buking na naman ang plano n’yo.’’

Bago nakapagsalita si Ja­nice ay hirap na hirap.

“One hundred thousand po, Sir Zac. Basta guluhin ko lang daw po kayong dalawa ni Mam.’’

“See? Tama ako.’’

“Patawarin n’yo po ako. Hindi ko po akalaing ha­hantong sa ganito.’’

“Bakit pumayag ka agad sa offer niya? Sana mag-isip ka muna. Paano kung ang lalaking tinarbaho mo ay mahina at papatulan ka e di may sinira kang pa­milya. Sana, mag-isip ka nang maraming beses.’’

Napahagulgol si Janice. Nanginginig ang katawan dahil sa kahihiyan.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with