^

True Confessions

Damo sa Pilapil (119)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

SA isang kilalang restaurant nagtungo sina Zac at Janice. Marami nang kumakain pero nakakuha pa rin sila nang puwesto.

Ibinigay sa kanila ang menu. Pumili sila nang pagkain.

“Sir Zac, pumili ka nang gusto mong pagkain. Gusto ko masisiyahan ka dahil unang pagkakataon na magkasama tayo.’’

“Hindi naman ako ma­lakas kumain. Pero sige dahil ikaw ang nagyaya e kukuha ako ng ilang putahe. Mukha namang marami kang ibabayad.’’

“Marami nga Sir Zac. Talagang may pondo ang pagyayaya ko sa’yo rito. Gusto ko talagang masiyahan ka.’’

Pumili na si Zac nang makakain. Tinawag ni Janice ang babaing crew at sinabi ang order nilang pagkain.

Nang makaalis ang crew ay nagbiro si Zac.

“Mukhang mayaman ang kompanya n’yo kaya may pondo. Baka aprubahan ko agad ang mga machine na kukunin sa’yo. Para mailibre mo uli ako ng lunch.’’

“Okey lang Sir. Pakaka­inin uli kita. Gusto mo sa ibang lugar tayo? May alam akong mas maganda rito. Tayong dalawa lang…’’

“Aba sige, pero tapusin muna natin ang deal na ito at pagkatapos, dun sa lugar na gusto mo. Parang masarap kang kasama, Janice.’’

“Talaga Sir Zac? Sabi ko na nga ba’t magugustuhan mo ako.’’

“Sino naman ang hindi magkakagusto e ang ganda mo.’’

Tiningnan siya nang ma­lagkit ni Janice. Kagat na kagat ito. Nagkunwari naman si Zac na tala­gang may gusto.

Hanggang mapansin ni Zac ang isang lalaki sa di-kalayuan na kinukunan sila ng picture mula sa cell phone nito.

Ang lalaki ay si Bogs!

Talagang may balak ang matanda na sirain siya!

Humanda ka Tanda!

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with