^

True Confessions

Damo sa Pilapil (118)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

IPINASYA ni Zac na makipagkita pa rin kay Janice at magkunwa­ring walang nalalaman sa natuklasan niya pero tuturuan na niya ng leksiyon ang babaing ito na nagpapagamit sa matandang si Bogs.

Magkano kaya ang ibinayad ni Tanda kay Janice? Malaki siguro. Mahirap umarteng sales representative at maki­pagbolahan sa presidente ng kompanya. Ma­higpit siguro ang panganga­ilangan ni Janice kaya tinanggap trabaho mula kay Bogs.

Dahan-dahan ang pag-usad ni Zac patungo sa kinaroroonan ni Janice. Binuksan niya ang bintana sa kanang bahagi nang malapit na siya sa kinatatayuan ng babae.

Nang tumigil siya ay nakita agad siya ni Janice. Kumaway ito sa kanya. Mahusay umarte. Parang inosenteng babae.

“Hi Sir Zac,” sabi ni Janice at binuksan ang pintuan.

“Hi, Janice! Kanina ka pa?’’

“Opo Sir. Nangalay na nga ang binti ko sa pagtayo.’’

“Natrapik kasi ako kaya ngayon lang ako nakarating. Sorry ha?’’

“Okey lang Sir Zac. Hindi baleng maghintay ako huwag lang ikaw.’’

“Di bale at sa susunod, hindi na ako mali-late. Kakahiya naman sa’yo na matagal na naghintay.’’

“Mga 11:00 pa lang ay nakatayo na ako diyan Sir.’’

Napangiti nang lihim si Zac. Sinungaling pa ang babaing ito. Nahawahan na ni Bogs.

“Talaga? Kakahiya talaga sa’yo! Teka saan ba tayo magla-lunch?’’

“Pasok tayo sa mall Sir. Sa isang restaurant dun.’’

“Okey sige.’’

Ipinasok ni Zac ang sasakyan sa parking.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with