^

True Confessions

Damo sa Pilapil (117)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

HINDI maaaring magkamali si Zac sa lala­king kausap ni Janice sa BMW --- si Bogs! Ang matandang malaki ang pagkagusto kay Dulce na masama naman pala ang intensiyon. Ang BMW ay minsan na ring dinala ni Bogs nang dumalaw kay Dulce noon kaya natatandaan niya.

Kitang-kita ni Zac ang pag-uusap ng da­lawa dahil bukas ang pintuan ng BMW. May ipinapaliwanag si Bogs kay Janice. Mukhang binibigyan ng instruction ang babae.

Hindi naman siya makikita ng dalawa dahil dalawang sasakyan ang pagitan nila. Hindi niya hinihiwalayan ng tingin ang dalawa. Mukhang maraming sinasabi si Bogs.

Nagkaroon ng konklus­yon si Zac na ginagamit ni Bogs si Janice para ma­kaganti. Gagawin niyang pain si Janice. Hula ni Zac, sisirain ni Janice ang relasyon niya kay Dulce at ang unang hakbang ay ang pag-imbita sa kanya. Gaya nang alok nito na mag-lunch sila. Siguro, utos ni Bogs kay Janice na gawin ang lahat para mahulog siya rito. Kung maaari, ipagkaloob ni Ja­nice ang sarili sa kanya. Kapag nahulog siya kay Janice, tagumpay si Bogs. Ibubulgar ang relasyon kay Dulce. At kapag nalaman ni Dulce ang lahat, sira na ang relasyon nila. At papasok uli si Bogs sa eksena.

Napangiti si Zac. Ngayon ay alam na niya ang plano ni Janice at Bogs.

Nang tingnan niyang muli si Janice, nakababa na ito sa BMW. Nag­la­kad sa may waiting shed. Palinga-linga.

Nagpasya si Zac na tapusin na ang kaha­ngalan ng babaing ito.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with