^

True Confessions

Damo sa Pilapil (116)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“OKEY sige, mamaya mag-lunch tayo,” sabi ni Zac.

“Talaga Sir?’’

“O, ngayong pumayag na ako, saka ka nagulat.’’

“Excited lang Sir. Sabi ko na nga ba at hindi mo ako bibiguin. Ang matitiyaga talaga ay may napapakinabang.’’

“Okey saan tayo magkikita at anong oras?’’

“Sa harap ng isang mall Sir sa Makati. Dun ako maghihintay ng 11:30 a.m.’’

“Okey, sige. Pero mga kalahating oras lang tayo Janice dahil 1:00 p.m. may meeting ako. Gaya nang sabi ko sa’yo, busy ako. Pagbibigyan lang kita dahil sabi mo nga matiyaga ka. Ako rin, nung kaba­taan ko, matiyaga rin ako.’’

“Pareho pala tayo Sir. E Sir puwede ba, Zac na lang ang itawag ko sa’yo. Kasi parang magkasing-age lang tayo.’’

“Okey no problem. Call me Zac.’’

“Yes!’’

“Okey mamaya, hinta­yin mo ako, 11:30.’’

“Hihintayin kita Zac.’’

Nakahinga nang maluwag si Zac. Kailangang pag­bigyan na niya si Janice para matapos na ang pa­ngungulit. Ayaw naman niyang basta biguin na lang ito. Hindi siya sanay sumagot ng “no”. Ayaw niyang makasakit ng damdamin.

EKSAKTONG 11:30 a.m. ay nasa harap na ng mall si Zac. Pero wala pa si Janice. Sabi ay maghihintay siya sa waiting shed. Bawal humimpil sa kinaroroonan niya kaya ipinasya niyang umikot. Baka pagbalik niya ay narito na si Ja­nice.

Umikot siya.

Nagulat siya sa na­kita. Si Janice, bumaba­ba sa isang BMW at kilala niya kung sino ang dri­ver niyon. Si Bogs!

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with