^

True Confessions

Damo sa Pilapil (114)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“YES! Tama ang nakuha kong info na mabait ka talaga, Sir Zac. Talagang ubod ka raw ng bait!’’ Sabi ni Janice.

“Kailangang maging mabait ka sa lahat nang tao. Yun lang naman ang kailangan para maging maligaya rito sa mundo.’’

“Wow! Pinahanga mo ako talaga Sir Zac.’’

“So okey na tayo Janice. Sige maaari mo akong tawagan nang direkta. No problem. Pero, baka ma-ging busy ako in the next few days at hindi rin kita ma-accommodate. Iwan mo na lang ang message sa secretary ko at ipaaalam ko sa iyo ang aking desisyon ukol sa proposal mo.’’

“Salamat po uli Sir Zac.’’

‘‘Sige Janice, may meeting pa ako. Thanks sa pagdalaw.’’

‘‘Salamat din po Sir Zac.

Lumabas na si Janice.

Naiwan si Zac na hinabol ng tingin si Janice habang papalabas ng kanyang room. Maganda ang hubog ng katawan ni Janice. Walang bilbil. Nag-eehersisyo marahil araw-araw kaya ganun ka-sexy Tamang-tama ang indayog ng katawan habang naglalakad. Iyon yata ang tinatawag na graceful na paglalakad.

Nagulat pa si Zac nang lumapit ang kanyang secretary at may pinapirma-hang dokumento. Hindi niya napansin ang paglapit nito. Baka nakita ang paghabol niya ng tingin kay Janice. Makaraan niyang pirmahan ang dokumento ay lumabas na ang secretary. Hula niya, nakita nito ang paghabol niya ng tingin kay Janice.

Napailing-iling si Zac. Naabala ang kanyang sandali ng Janice na iyon. Nagtataka siya kung bakit nakapag-research agad ito nang ilang bagay ukol sa kanya. Alam kaagad nito na madali siyang kausap at hindi nambibigo sa mga lumalapit. Napansin niyang mahusay kumumbinsi si Janice. Mukhang may an-ting sa pangungumbinsi ang babaing iyon --- parang may “kalamansi sa dila”.

KINABUKASAN, hindi niya inaasahang tatawagan siya ni Janice. Direkta talaga sa kanya.

“Hi Sir Zac, puwede ka bang ma-invite sa lunch mamaya. Sige na Sir. Kahit half an hour lang.’’

Pero mabilis mag-isip nang dahilan si Zac.

“Sorry Janice, may meeting ako mamaya.’’

“Bukas Sir? Sige na Sir! Kahit saglit lang…’’

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with