Damo sa Pilapil (108)
“PERO nagulat talaga si Tanda nang sabihin ko na asawa kita. Napanganga talaga siya.’’
“Nakakagulat nga naman talaga, Love. Kasi ang layo ng agwat ng edad natin. Inaasahan kasi niya na ang katulad niyang matanda ang bagay sa akin.’’
“Hindi niya akalain na ang isang tulad ko ang makakasungkit sa magandang babae na noon pa niya pinaglalawayan, ha-ha-ha!’’
Kinurot ni Dulce sa tagiliran si Zac. Pero natutuwa siya sa mga sinabi ni Zac kay Bogs. Asar kasi siya sa Bogs na iyon na kaya pala may interes sa kanya ay dahil gustong maging presidente ng kompanya. May hidden agenda pala ang walanghiya kaya ganun na lamang ang pagpipilit na magustuhan niya. Hindi naman siya tanga para hindi makahalata. Mabuti na lang at si Zac ang nakatuluyan niya. Maligaya siya sa piling ni Zac na walang halong kasakiman ang pagmamahal sa kanya.
“Hindi talaga siya makapaniwala, Love nang sabihin kong asawa kita,” sabi uli ni Zac na hindi malimutan ang nangyari kanina.
“Talaga bang proud na proud ka na naging wife mo ako, Love?’’
“Oo naman. Higit pa sa proud.’’
Niyakap ni Zac si Dulce. Hinalikan sa labi.
“I love you!’’
“I love you too, Zac.’’
“Hindi ako magbabago kahit kailan, Love. Ikaw lang ang mamahalin ko.’’
Hinalikan niya uli sa labi ang asawa.
ISANG hapon na dumating sa bahay si Zac, naratnan niyang nakahiga si Dulce. Mahina ang katawan.
“Anong nararamdaman mo Love? Maysakit ka?’’
“Ang sakit na naman ng ulo ko…’’
(Itutuloy)
- Latest