Damo sa Pilapil(104)
“NARINIG ko pong usap-usapan sa labas, Sir,” sabi ng “bisor” na hindi makatingin nang deretso kay Zac dahil sa matinding pagkahiya. “Mula po noong ikaw na ang maging presidente ng kompanya, gabi-gabi na akong kinakabahan at na-stress.’’
“Bakit ka nagpaka-stress? Natakot ka sa sarili mong anino? Papatayin mo ang sarili dahil sa maling akala.’’
“Kasi po’y mabigat ang kasalanan ko sa’yo Sir. Talagang binully kita noon. Grabe talaga ang ginawa ko. Nagsisisi talaga ako. Hindi na po mauulit iyon Sir. Patawarin mo na ako.’’
“Kalimutan mo na yun. Sige, bumalik ka na sa department mo at maging mapanatag. Pagbutihan mo na lang ang pagtatrabaho para sa pag-unlad ng kompanya.’’
“Salamat po.’’
Panatag na lumabas ng opisina ni Zac ang “bisor”.
Sa isip ni Zac, nagkaroon na nang matinding aral ang “bisor”. Hindi niya kailangang gantihan ito sa mga nagawa sa kanya. Marami na siyang nakamtang biyaya kaya hindi na siya dapat mag-isip pang gumanti sa mga nakagawa nang kamalian.
MALIGAYA ang pagsasama nila ni Dulce. Mahal nila ang isa’t isa.
Minsan, tinanong siya ni Dulce.
“Kahit wala tayong anak, okey lang Zac?’’
“Oo naman. Ikaw lang ang mahalaga sa akin.’’
“Kasi hindi na kita mabibigyan ng anak. May edad na ako.’’
“Okey lang sa akin, Love. Huwag mong problemahin yun. Basta ikaw ang kasama ko, maligaya na ako.’’
Niyakap ni Zac ang asawa.
“I love you, Dulce. Hindi ako magbabago kahit kailan.”
(Itutuloy)
- Latest