^

True Confessions

Damo sa Pilapil (89)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

HUMINGA nang malalim si Mam Dulce bago nagpatuloy sa pagsasalita. Sa himig ay maraming sasa­bihin kay Zac.

Naghihintay naman si Zac. Ano pa kaya ang hindi niya nalalaman kay Mam Dulce?

“Tanungin muna kita, Zac, ano ba ang alam mo sa akin?’’

Napamaang si Zac.

“Nalaman ko po kay Manang Cion na biyuda ka at may isang anak. Pero namatay din po pala ang anak n’yo?’’

“Ano pa ang tungkol sa asawa ko?’’

“Wala na po Mam.’’

“Sabagay baka hanggang dun lang ang alam ni Manang Cion – basta biyuda lang ako at may isang anak. Siyempre ako lang ang nakaaalam ng mga nangyari sa aking buhay at wala nang iba pa.’’

Nahihiwagaan si Zac. Ano kaya ang tungkol sa asawa nito.

“Mahal ko ang aking­ asawa. Mahigit 20 taon kaming nagsama at wala akong inisip kundi mahalin siya. Lahat nang pagmamahal ay iniukol ko sa kanya. Pero hindi pala niya pinahalagahan iyon. Ba­lewala ang mga ginagawa ko...’’

Tumigil sa pagsasalita si Mam. Tumi­ngin sa asul na dagat. At saka nagpatuloy sa pagsasalita.

“Wala akong ka­malay-malay na ma­tagal na pala niya akong niloloko. Ang sakit nang malaman ko. Parang bumagsak sa akin ang mundo. Hindi ko akalain…’’

At saka napakagat-labi si Mam.

Kasunod ay tumulo ang luha.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with