^

True Confessions

Damo sa Pilapil (88)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAGTAPAK si Mam Dulce. Binitbit ang suot na sneakers.

“Gusto kong madama ang buhangin. Ngayon lang ako ma­kakaranas ng ganito Zac.’’

“Doon tayo sa may hinahalikan ng alon ang mga buhangin Mam. Mas masarap ang feeling­ kapag na­basa ng tubig-dagat ang mga paa.’’

Tinungo nila ang may ginugulungan ng alon. Banayad na bana­yad ang alon habang humahalik sa mga paa ni Mam.

“Ang sarap! Ganito pala ang nararamdaman na hinahalikan ng alon.’’

“Kahit noong bata ka pa Mam, hindi ka nakaranas ng ganito?’’

“Hindi.’’

“Ka­hit po noong may-asawa ka na?’’

“Hindi rin. Ngayon nga ang first time.’’

Hindi makapaniwala si Zac. Kahit pala mayaman si Mam ay hindi pa nakakaranas ng ganito. Kung tutuusin ay ka­yang-kayang magtungo sa beach resort.

“O a­nong iniisip mo? Parang hindi ka na­niniwala, Zac.’’

“A e wala Mam. May naisip lang po.’’

“Gusto ko lakarin natin hanggang dun sa may kakahuyang yun – mga banaba ba yun?’’
“Opo. Sige po, lakarin natin.’’

Nilakad nila. Nakatapak pa rin si Mam.

Nang marating nila ang kakahuyan, nakadama ng pagod si Mam.

“Pahinga muna tayo. Saan kaya magandang umupo?’’

“Dun po. Yung usli ng ugat ng banaba.’’

Naupo sila. Magka­tabi

Hindi inaasahan ni Zac ang sasabihin ni Mam.

“Marami ka pang hindi nalalaman Zac.’’

“Gaya po ng ano, Mam?’’

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with