^

True Confessions

Damo sa Pilapil (86)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“FIRST time ko itong makarating sa isang resort, Zac,” sabi ni Mam Dulce na halatang excited nang makarating sa Encarnado Resort. “Hindi ko napagtuunan ng pansin dahil nakapokus ako sa abroad. Magsasawa rin pala ako sa kata-travel.’’

“Halos nalibot mo na siguro ang mundo Mam pero itong bansa natin hindi pa. Hindi mo alam na may mga magagandang lugar pala gaya ng Encarnado.’’

“Tama ka! Marami na akong napunta­hang bansa pero ni minsan hindi ko man lang nabisita ang mga naggagandahang tanawin sa bansa natin. Kung minsan, nakaka-guilty. Mabuti na lang at nasabi mong may alam kang magandang resort. Siguro, sunud-sunod na ang pag-a-outing natin. Lalo at papalapit na ang summer. Makakasama ka kaya lagi e bossing ka na sa kompanya.’’

“Oo naman, Mam. Mga one o two days lang naman tayo kaya puwede ako.’’

“Sige. Mabuti rin ngang makapahinga. Balita ko e seryosong-seryoso ka sa bago mong posisyon. Baka mamaya niyan e ikaw na ang pinakamataas sa kompanya. Wow!’’

“Naku marami pa po akong kakaining bigas, Mam.’’

“Aba baka mamaya mangyari yun e mahimatay ka.’’

Napangiti lang si Zac at nagpatuloy sa pagda-drive. Alam niya nakasulyap sa kanya si Mam,

HANGGANG sapitin nila ang lugar makaraan ang mahaba-habang biyahe.

‘‘Narito na tayo sa Encarnado, Mam!’’

Humanga si Mam sa nakita.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with