^

True Confessions

Damo sa Pilapil (85)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAPATITIG si Zac kay Mam Dulce. Okey lang pala rito na silang dalawa lang ang mag-outing. Parang tiwalang-tiwala si Mam.

“Bakit parang hindi ka makapaniwala na tayong dalawa lang Zac?’’ tanong ni Mam na nahalata yata ang pagtataka niya.

‘‘Kasi’y akala ko e hindi ka makakasama kung wala si Manang.’’

“Bakit naman hin-di ako makakasama. E kung tutuusin mas okey ka pa ngang kasama kaysa kay Bogs. Hmp, naalala ko na naman ang taong ‘yun. Nagsisisi ako kung bakit naki-pagmabutihan pa sa kanya. Siguro tala-gang ganito ang buhay, may mga pagkakamali. Mabuti na lamang at hindi ako ganap na nagpadala sa matatamis na pananalita ng taong ‘yun.’’

Napatangu-tango lang si Zac. Nasisiyahan siya sapagkat inaamin ni Mam na nagkamali siya. May mga tao na hindi umaamin sa pagkakamali.

‘‘Totoo ang sinabi ko Zac, may tiwala ako sa’yo. Malaki ang tiwala ko sa’yo. Yun na lamang nangyari nung nakaraang gabi na nalasing ako at maayos mong dinala sa kuwarto, napatunayan kong katiwa-tiwala ka. Nasa mabuti akong mga kamay.’’

“Salamat Mam.’’

“Imagine, napalitan mo ako ng damit na ni hindi mo naidampi ang hintuturo mo sa maseselan kong baha­gi, kahanga-ha-nga na iyon. Ano pa ang ikatatakot ko na tayong dalawa lamang ang magtungo sa Encarnado Resort. Iilan na lamang ang lala-king katulad mo Zac…at hindi ako magsasawang ulit-ulitin na katiwa-tiwala ka.’’

“Salamat uli nang marami Mam.’’

‘‘Kaya go na tayo sa Encarnado!’’

 

LINGGO ng umaga, maagang umalis sina Mam Dulce at Zac. Si Zac ang driver.

“Excited na ako, Zac. Talaga bang maganda sa Encarnado Resort.’’

“Masisiyahan ka Mam. Hindi mo malilimutan kapag nakita mo ang lugar.’’

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with