^

True Confessions

Damo sa Pilapil (82)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

MABILIS na tinungo ni Zac ang kuwarto ni Mam Dulce para ipaalam na narito si Bogs. Si Mam ang baha­lang magpasya kung patutuluyin si Bogs.

Kumatok siya sa pinto at saka tinawag si Mam.

“Mam! Mam!”’

“Pasok!’’ Sabi ni Mam mula sa loob.

Pumasok si Zac.

“Mam nariyan po si Bogs sa gate. Patutuluyin ko po ba?’’

“Huwag! Ayaw ko siyang makita. Ikaw na lang ang magsabi na ayaw ko siyang makita!’’

“Opo Mam!’’

Mabilis na lumabas si Zac at nagtungo sa gate.

Malayo pa siya nakangiti na si Bogs. Nakadama siya ng inis.

Lalo pang nakadama ng inis si Zac nang tawagin siya ni Bogs.

“Boy, pakibukas naman nito! Nandiyan ba si Dulce?’’

“Ayaw niyang maki-pag-usap sa’yo! At para sa kaalaman mo, hindi ako Boy! Puwede ka nang umalis!’’

Napamaang si Bogs at saglit na hindi nakapagsalita.

Pero nang magsalita ay may diin at tila nang-iinsulto pa kay Zac.

“May sasabihin lang ako, Boy. Sandali lang ako. Mahalaga lang ang sasabihin. Papasukin mo ako Boy.’’

Umakyat na sa ulo ni Zac ang inis.

“Huwag ka nang magpumilit Tanda. Ayaw na niya. Umalis ka na!’’

“Tarantadong ito’t sino kang mag-uutos sa akin.’’
“Umalis ka na, Tanda!’’

“Ulol ka. Boy ka lang diyan kung makaporma ka akala mo sa’yo ang bahay na ‘yan!’’

“Umalis ka na! Puro ka dada!’’

Nagbanta na si Bogs.

“May araw ka rin Boy. Magkikita rin tayo!’’

“Hindi ako natatakot Tanda! Umalis ka na bago ako tumawag ng pulis dahil nag-eeskandalo ka rito.’’

Napilitang umalis si Bogs. (Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with