^

True Confessions

Damo sa Pilapil (81)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“MAM paano si Bogs? Baka sumama siya sa atin?’’ Tanong ni Zac. Hindi napigilan ni Zac ang sarili na itanong iyon. Gusto niyang malaman ang totoong estado ng relasyon ng dalawa kung wala na nga talaga.

“Sorry pero ayaw ko nang marinig ang name ng taong ‘yun.’’

“Sorry po, Mam.’’

“Gaya nang sabi ko sa’yo masama pala ang tangka ng taong iyon. Nagtiwala ako pero may hindi magandang intensiyon pala. Hindi ko agad na-sense. Kung minsan ay may pagka-stupid ako. Pero mabilis din naman  akong magkaroon ng leksiyon.’’

Napangiti si Zac sa si­nabi ni Mam.

“Kaya tayo lang ang pu­punta sa resort na nasa pro­vince n’yo, okey?’’

“Opo Mam. Mga isang linggo bago tayo magtungo sa Encarnado Resort e mag­papa-reserve na tayo. Yung sister ko ang bahala dahil classmate niya ang manager ng Encarnado.’’

“Wow, talaga bang ma­ganda ang Encarnado Resort?’’

“Maganda Mam. Hindi pa gaanong napupuntahan ng tourist kaya preserved pa ang lugar. Ang buhangin dun e nagkukulay-pink ka­pag sumisikat ang araw.’’

“Wow! E di talo ang Bora?”

“Opo. Kaakit-akit po ang paglubog ng araw sa Encarnado Resort. Wala raw pong katulad.’’

“Sige, ituloy na natin Zac. Wala nang postponement ang trip natin sa Encarnado.’’

PERO bago ang ka­nilang eskedyul na pagtungo sa Encarnado, lu­mutang isang araw ng Linggo si Bogs.

Si Zac ang nakakita kay Bogs. Nasa gate ito.

Nagtataka si Zac kung bakit narito si Bogs.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with