^

True Confessions

Damo sa Pilapil (79)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAHUBAD ni Zac ang pang-ilalim na damit ni Mam Dulce. Basa talaga ng pawis ang damit lalo ang nasa dakong likuran. Hindi puwedeng ipagwalambahala sapag­kat matutuyo ang pa­wis na maaaring hu­mantong sa pagkakasakit. At iyon ang ayaw niyang mangyari kay Mam Dulce. Kaya magalit man ito sa kanya dahil sa pakikialam sa pagpapalit ng damit, tatanggapin niya. Mas gusto niyang magalit ito kaysa magkasakit.

Nang mahubad ang pang-ilalim ay lalo namang naging maingat si Zac sa paghawak sa katawan ni Mam. Kung maaari ay ayaw niyang masanggi ang braso, balikat at ang dibdib. Ayaw nga niyang sul­yapan ang dibdib na natatakpan ng bra. Pero sa sulok ng kanyang mga mata ay parang buung-buo pa ang dibdib ni Mam. Hindi pa bagsak! Parang hindi sa isang 60-anyos!

Binawi niya ang pagkakatingin sa dibdib. Hindi siya dapat mag-isip ng kung anu-ano kay Mam!

Hindi na niya hu­hubarin ang bra. Hindi naman ito basa. Ang kanyang target ay ang pang-ilalim na damit na tigmak ng pawis.

Naghanap siya nang maisusuot na damit kay Mam. Binuksan niya ang closet. Nakakita siya ng puting sando. Kinuha iyon at bumalik sa kinahihigaan ni Mam at dahan-dahang isinuot kay Mam. Iniwasan niyang mapadait ang kamay sa dibdib ni Mam.

Nang maisuot ang sando, inayos niya ang pagkakahiga nito at saka kinumutan.

Nang inaakalang ma­­ayos na ang lagay ni Mam ay maingat siyang lumabas sa kuwarto. Marahang isinara ang pinto.

Nang sulyapan niya ang kanyang relos ay mag-aalas tres na ng madaling araw.

Nakadama siya ng antok.

Ipinasya niyang matulog na sa kanyang kuwarto. Hindi na niya nailapat ang pinto dahil sa pagkaantok.

Madali siyang nakatulog.

Hindi niya namalayan, nang mag-alas singko ng umaga, may dahan-dahang nagbukas ng pinto ng kanyang kuwarto.

Pero sumilip lang. Umalis din agad ang nagbukas.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with