^

True Confessions

Damo sa Pilapil (78)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAGULAT si Zac nang makapa ang likod ni Mam Dulce. Basa! Bakit pinawisan si Mam? Dahil sa ininom na beer? Hindi nga sanay uminom ng beer si Mam kaya siguro pinagpawisan. Kung bakit kasi pinilit uminom. Siguro’y gustong lunurin ang mga nangyari sa kanila ni Bogs. Tarantado kasi ang Bogs na iyon na gusto pang lokohin si Mam. May balak palang masama kaya gustong mapangasawa si Mam. Gagawin pang “bitka” si Mam. Gago talaga. Mabuti na lamang at nalaman ni Mam ang masamang tangka ng Bogs na iyon. Naikuyom ni Zac ang kanang kamao. Baka hindi siya makapagpigil kapag nakita si Bogs!

Nagdalawang-isip si Zac kung papalitan ng damit si Mam. Basang-basa talaga ang likurang bahagi. Masama ang natutuyuan ng pawis sa likod. Naka-aircon pa naman. Baka paggising ni Mam bukas ay masama na ang katawan.

Nagpasya si Zac na hubarin ang pang-ibabaw na damit ni Mam. Kahit man lang iyon ay maalis niya para hindi matuyuan ng pawis.

Dahan-dahan niyang hinubad ang pang-ibabaw na damit ni Mam. Mahirap alisin dahil nakatagilid si Mam sa pagkakahiga. Mahimbing na mahimbing sa pagkakatulog. Malakas ang epekto ng beer. Naaamoy pa rin niya ang hininga ni Mam – amoy beer. Masarap sa kanyang pang-amoy ang hininga ni Mam.

Dahan-dahan ang paghugot niya ng damit sa dalawang braso nito. Hanggang sa batakin na na niya nang sabay. Naalis niya.

Sinalat niya ang likod. May basa pa rin. Grabeng pawisin pala si Mam. Kung aalisin niya ang pang-ilalim na damit baka naman ikasama ni Mam. Baka kung ano ang isipin.

Pero ano ang mahalaga, ang kalusugan niya o ang iisipin?

Sinunod niya ang dikta ng isip na hubarin ang pang-ilalim na damit. Bahala na! (Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with