PSN True Confessions ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Damo sa Pilapil (77)

“DAHAN-DAHAN Mam. Baka ka matapilok,” sabi ni Zac habang hawak sa kamay at nakaalalay sa baywang ni Mam Dulce.

“K-kakahiya sa’yo Zac. N-naparami ang inom ko. Hindi talaga ako umiinom, e. S-sorry Zac ha?’’

“Okey lang yun Mam.’’

“Ikaw hindi ka nala­sing?’’

“Mahina naman ang tama ng beer.’’

“Bakit ako tinamaan?’’

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

“Hindi ka kasi sanay Mam. Kung tutuusin e hindi ka dapat tamaan dahil apat na bote lang ang nainom mo.’’

“Apat ba ang nainom ko?’’

“Oo.’’

Biglang napasuray si Mam. Naalalayan agad ni Zac. Nahawakan sa baywang. Napayapos sa kanya si Mam. Nagkalapit ang mukha nila. Nasamyo ni Zac ang hininga ni Mam. Amoy beer pero para sa kanya, napakabango ng hininga ni Mam.

“Ah, lasing na talaga ako. Kakahiya talaga sa’yo Zac. Hindi na ito mauulit talaga.’’

“Okey lang ‘yan. Paminsan-minsan lang naman.’’

“Ngayon lang talaga ako nakainom nang maraming beer. Sasakit kaya ang ulo ko, Zac?”

“Hindi naman siguro Mam. Ipagtitimpla kita ng kape para mapigilan kung sasakit man ang ulo mo.’’

“Thanks Zac. Maaasahan ka talaga. Hindi ako nagkamali sa’yo.’’

“Salamat Mam.’’

“I’m proud of you Zac.’’
Nakapasok sila sa loob ng bahay.

“Gusto mo maupo muna sa sopa?’’

“Huwag na deretso na tayo sa bedroom ko. Gusto ko nang mailapat ang likod ko sa bed.’’

Tinungo nila ang bedroom ni Mam.

Inalalayan niya si Mam sa paghiga. Napayakap pa ito sa kanya. Nalanghap muli niya ang hiningang amoy beer.

Dahan-dahan niyang inihiga.

Nang pagmasdan niya, tulog na.

Napasobra talaga ang inom na beer. Hindi sanay kaya nalasing agad.

Inayos niya ang katawan ni Mam sa pagkakahiga. Paano kaya ang suot na damit? Hindi na nagpalit ng suot.

(Itutuloy)

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: