^

True Confessions

Damo sa Pilapil (76)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“NAPANSIN mo pala ‘yun Zac,” sabi ni Mam Dulce. “Wala na si Bogs.’’

Nag-alangan si Zac kung magta­tanong pa. Baka magalit si Mam. Sana hindi na lang niya itinanong iyon. Baka kung ano pa ang isipin sa kanya ni Mam.

Pero si Mam na ang nagsiwalat nang lahat. Mukhang okey lang pala rito na magtanong ukol kay Bogs.

“May natuklasan ako kay Bogs! Marami pala siyang balak sa akin. Mabuti na lang at nahuli ko siya sa sariling dila. At mabuti na rin at maaga kong natuklasan. Hindi pala ako dapat nagtiwala sa kanya. Malaking lek­siyon sa akin ang nangyari,” sabi at hu­minga nang malalim. Saka nagpatuloy sa pagsasalita. Halatang gustong ikumpisal kay Zac ang mga nangyari sa kanila ni Bogs. Mukhang itinaon talaga ang pagkakataong ito para ihinga ang nasa dibdib.

“Alam mo ba kung ano ang natuklasan ko kay Bogs? Gagawin lang pala akong kabit. May asawa pala siya at hindi totoong binata. Napaniwala ako na bachelor siya. At ang matindi, kaya pala gusto niya akong mabingwit ay dahil may interes siya sa aking­ kompanya. Kung magkakaroon kami ng re­las­­yon, maaari na siyang pumapel sa kompanya. Hanggang sa unti-unti ay siya na ang mamamahala. Mabuti na lang at nahuli ko siya sa bibig niya. Nalasing siya kaya sinabi ang mga balak. Talagang sa bibig nahuhuli ang isda o kaya kung may gusto kang malaman  sa isang tao, lasingin mo. Kakanta nang kakanta gaya nang ginawa ni Bogs.

“Mabuti na lang at wala pang nangya­yari sa amin. Minsan ay pinipilit niya ako na magsi­ping na kami --- like nung nagtungo kami sa Bangkok. Pero malinaw pa rin naman ang wis­yo ko. Hindi ako basta-basta na­tutukso. Mala­kas pa rin ang fighting spirit ko.’’

Napangiti si Zac sa sinabing iyon ni Mam.

“’Yan ang dahilan kaya hindi mo na nakikita si Bogs. Hindi ko alam kung nasaan na siya. Wala na akong balita.’’

“Sabi ko na nga ba’t hindi siya mapagkakatiwalaan Mam.’’

“Nabasa mo ba yun sa mukha niya? Sana sinabi mo sa akin.’’

“Paano ko sasa­bihin e nakikita ko na­mang magkasundo kayo. Ang saya-saya n’yo nga.’’

Hindi nakaimik si Mam.

Maya-maya ay ma­sayang nagsalita.

“Magselebreyt tayo Zac. Kaya tayo narito ay para magsaya. Uminom pa tayo. Kaya ko naman. Ikaw kaya mo ba? Makakapag-drive ka pa?’’

“Oo naman.’’

Uminom pa sila at kumain.

Dakong ala-una ng madaling araw, nagyaya na si Mam umuwi.

Nang nasa gate na sila ng bahay, sumuray si Mam. Inalalayan ni Zac.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with