^

True Confessions

Damo sa Pilapil(75)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

KINAGABIHAN, nagkita sina Zac at Mam Dulce sa isang bagong bukas na bar sa Roxas Boulevard. Mas naunang dumating si Mam Dulce roon. Nasa sulok ang mesang pinili ni Mam. Pagpasok ni Zac ay nakita agad niya si Mam. Tinungo niya ang kinaroroonan. First time niyang makapag-bar. Sa tingin niya ay para sa mga desenteng tao ang bar na iyon. Mga executives ng kompanya sa tingin niya ang mga customer.

“Kanina ka pa Mam?’’

“Mga 30 minutes. Malapit lang kasi dito yung dina­luhan kong meeting kaya nagderetso na ako rito.’’

“Ikaw na ang pumili para sa dinner natin pero ako ang magbabayad. Manager na ako Mam, baka nalilimutan mo.’’

Nagtawa si Mam.

“Alam ko big time ka na, Zac kaya handa akong magpakabusog ngayon. Sea­foods ang gusto ko. Mag-beer tayo, Zac?’’

“Opo, Mam.’’

“Kailangan ay maging masaya tayo. Paminsan-minsan kailangang lumabas tayo.’’

“Tama ka Mam.’’

Kinawayan ni Mam ang isang unipormadong crew at saka umorder. Pagkatapos umorder ay hinarap si Zac. Parang sabik na sabik maki­pagkuwentuhan.

“Ngayon lang tayo makakapag-usap nang harap-ha­rapan. Dati mabilisan ang ating pag-uusap. Kung minsan e hindi pa, di ba Zac.’’

“Opo Mam. Hindi na nga tayo nagkakakumustahan.’’

“Ayaw kong pag-usapan ang trabaho. Alam ko na ang trabaho mo at alam kong mahusay ka. Basta ayaw ko ng usapang corporate ngayon.’’

“Ano ang pag-uusapan natin, Mam.’’

Magsasalita sana si Mam pero dumatng na ang order nilang ice-cold beer. Ipinagsalin ni Zac si Mam sa baso nito. Pagkatapos ay sa kanyang baso naman nagsalin.

Sumimsim si Zac.

“Umiinom ka pala Zac.’’

“Kaunti lang Mam.’’

Si Mam naman ang su­mimsim.

“Ano nga ba ang pag-uusapan natin, Zac?’’

May naisip si Zac na ita­nong. Hindi naman siguro magagalit si Mam.

“Mam si Bogs, hindi ko na nakikitang dumadalaw. Nasaan na siya?’’

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with