^

True Confessions

Damo sa Pilapil (72)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“AT eto pa ang ikina­ha­hanga ko sa’yo Zac, sa kabila na maaari mong hingin ang tulong ng may-ari ng kompanyang­ ito para mabilis kang ma-promote, wala kang ginawang ganun. I know, si Dulce, ang nagpasok sa’yo rito bilang messenger at sa kabila niyon hindi ka nagpakita ng ka­angasan. Hindi mo gi­namit ang impluwensiya­ at hangang-hanga ako sa’yo. Bihira akong huma­nga pero sa pagka­kataong ito, talagang sa­sabihin ko na kahanga-hanga ka Zac.’’

“Marami pong salamat uli Sir. Sobra-sobra na po ang papuri mo.’’

‘‘Dapat ka lang puri­hin, Zac.’’

‘‘Lalo ko pa pong pagbubutihin ang paglilingkod at nang umunlad pa ang kompanya natin.’’

“Ganyan nga Zac. Ma­ta­tanda na kaming mga bossing dito at ang mga kabataan na katulad mo ang inaasahan namin na magpapatuloy ng mga na­simulan. At alam ko, kayang-kaya mo ito. Good luck, Zac.’’

“Salamat po uli, Sir.’’

Mahigpit siyang kinama­yan ng bossing.

 

ISANG umaga na maagang pumasok si Zac, nasalubong niya si Manong janitor. Tuwang-tuwa ang matanda. Alam na niya na na-promote na si Zac.

‘‘Congratulations, Zac! Sabi ko na nga ba’t ikaw na ang magiging mana­ger. Napakasaya ko Zac!’’

“Salamat po Manong.’’

Nasa ganun silang sit­wasyon nang biglang dumaan ang superbisor na “mainit” ang dugo kay Zac.

Bumulong si Manong kay Zac.

“Zac, eto na ang ma­yabang na bisor. Batukan ko kaya!’’

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with