^

Police Metro

Kontratang pinasok ng Bucor sa kumpanya na pag-aari ng solon iimbestigahan

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakatakdang paimbestigahan ni House Speaker Panta­leon Alvarez sa Kamara ang umano’y pagpasok sa kontrata ng Bureau of Corrections (Bucor) sa isang kumpanya ng saging na pag-aari  ng isang kongresista buhat sa Mindanao.

Sa House Resolution no. 867 na inihain ni Alvarez, hiniling nito sa Committee on Good Government and Accountability na imbestigahan ang nasabing kontrata sa pagitan ng Bucor at Tagum Agricultural Development Company  Inc.(TADECO) na pag-aari umano ni Davao Rep. Antonio “Tonyboy” Floreindo Jr.

Bukod dito pinasisiyasat din ni Alvarez sa Komite  ang umano’y hindi magandang pagtrato ng kumpanya sa kanilang trabahador sa banana plantation.

Si Floreindo ang isa sa pinakamalaking campaign financier ni Pangulong Duterte noong eleksyon kung saan umabot ito sa P75 milyon base sa ulat nito sa Commission on Elections (Comelec).

Paliwanag ni Alvarez, nais niya na makumpirma ang katotohanan sa ulat tungkol sa lease agreement ng Bucor ay tatanggap ang gobyerno ng bayad na P26.542 milyon kada taon sa paggamit sa 5,308 ektaryang lupa ng Davao Penal Colony o P5 libo kada ektarya.

Ayon pa sa Speaker, pumasok ang Tadeco at Bucor sa joint venture agreement noong Hulyo 11, 1969 kung saan pinapayagan ang kumpanya na mangupahan sa lupa ng Bucor para sa banana plantation.

Nagkaroon muli ng kasunduan ang dalawa noong Sept. 26, 1979 at noong 1989 kung saan ang consolidated venture agreement ay inamyedahan  para tumaas ang renta sa lupa, royalties at profit shares at hanggang noong Mayo 21,2003 na umano’y disadvantegous sa gobyerno.

vuukle comment

PANTA­LEON ALVAREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with