^

Pang Movies

Kris kumain ng palaka at salagubang alang-alang sa rating?!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Tuloy na tuloy na ang travel-themed show ni Kris Aquino na Trip ni Kris sa GMA-7. But instead na sa March 26 ang airing ay naurong lang ito ng kaunti at sa halip ay April 9 na.

Humarap kahapon sa isang mini-presscon ang producer ng show na si Rhodora Morales or Tita Dory for short and explained kung bakit naurong ang airing nito.

“Eh kasi naaksidente, eh. Marami siyang appointment prior, alam mo bang naga-adjust siyang pilit dito dahil hindi naman niya ine-expect na biglang may show.”

Matatandaang naaksidente si Kris habang nagti-taping ng show nang mabagsakan ng sementong gate ang kanyang paa.

Ayon kay Tita Dory, biglaan lang daw kasi ang pagkakasilang ng Trip ni Kris although bata pa raw ang aktres ay napapanood na niya ito sa TV.

“Matagal na naman kaming magkakakilala. ‘Yun lang, dahil busy kami sa paghahanapbuhay, hindi kami laging nagkikita, mga parties lang.

“It was a Sunday nang magyaya ang mga kaibigan ko na magpa-lunch ako, so, hindi naman namin inaakala na sa The Fort Shangri-La ay makikita rin namin si Kris na nagla-lunch. Doon pala siya nakatira habang ginagawa ang bahay niya sa Green Meadows.

“Of course, ‘di picture-picture, tapos few days na lang February na. Sabi ko, ‘anak, saan ka magbe-birthday? Meron ka bang special show?’ Sabi niya, ‘ay tita wala.’ Usually nag-a-abroad lang daw sila nina Josh and Bimby,” kwento ni Tita Dory na isa ring matagumpay na businesswoman.

Akala raw ni Kris ay nagbibiro siya, pero nang sabihin niyang seryoso siya ay saka sila nag-usap talaga nang masinsinan at pumayag na rin daw ito. At ‘yun na nga, nagsimula na silang buuin ang show.

Nilinaw ni tita Dory na one time show lang ito at hindi weekly. As in special show lang daw talaga. Pero two hours daw ito kaya sulit na sulit.

Sa show ay marami raw ginawang first time si Kris na tiyak na ikagugulat ng mga tao.

“Mayroon siyang isang fear which she overcame in this show. One very strong fear,” sabi ng anak ni Tita Dory na si Renan na tumulong din sa production.

May nagtsikang kumain daw yata ng palaka si Kris at may nagsabi namang salagubang. Pero ayaw kumpirmahin ng produksyon at abangan na lang daw.

When asked kung okay bang katrabaho si Kris sa kabila ng alam naman ng lahat na spoiled brat ito, ani Tita Dory ay ganu’n naman daw talaga ito ever since at tanggap niya ito.

“Normal naman niya na maarte, di ba? Kasi pampered na bata ‘yan. Pero masarap siyang kasama dahil kung ano ang ayaw niya, sinasabi niya. Kung ano ang gusto niya, sinasabi niya.

“Minsan brattie, pero pareha kami ng ugali, eh, kaya nagkakasundo kami,” natatawang sabi ng producer.

Imagine, hatid-sundo pa pala ng chopper si Kris kapag may taping sa Nueva Ecija. Saan ka pa?

Ano naman ang masasabi ni tita Dory sa tsikang hindi na as bankable si Kris tulad ng dati?

“Well, tignan nila. Hindi totoo ‘yun. Para sa akin, ako negosyante. High risk taker ako, eh. Kaya nga ‘yun ‘yung challenge sa akin. Ang daming nagsasabing “why get her?” Sabi lalangawin, sabi ko, “Ah, I’ll bet my ass for that!”

When asked kung may balak ba siyang bigyan ng talk show si Kris, aniya ay siyempre naman daw. Pero for now, isang show lang muna ang naging pirmahan nila ng TV host.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with