^

Pang Movies

Buhay ni Noven inaabangan na sa MMK

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Itinanghal nga na grand winner ang magsasaka na si Noven Belleza mula sa Negros Occidental sa Tawag ng Tanghalan ng It’s Showtime.

Sa una pa lang ay nakuha na ni Noven ang puso ng karamihan. Pati judges standing ovation. At ang live audience buhay na buhay, pati na ang manonood sa mga bahay.

Napabilib sila sa kanyang mahusay na performance sa Final 3 ng kanta ng Air Supply na The One That You Love, Now and Forever, at Without You.

Damang-dama raw kasi sa boses ni Noven ang sinseridad, kabaitan, at pagmamahal niya sa lahat. Kaya ang laki nang inilamang ng kanyang panalo sa text vote - nakakuha ng 99.6 % nung Sabado.

Sa ngayon ay siguradong maitataguyod na ni Noven ang pamilya dahil sa rami ng kanyang napanalunan. Si Noven ay panganay sa pitong magkakapatid na sigurado na ang pag-aaral ng mga ito sa magandang eskuwelahan.

Hindi lang ang mga kantang maririnig sa kanyang recording album na gagawin sa Star Music ang inaabangan ng lahat, kundi ang magiging madamdaming pagsasadula ng buhay ni Noven sa Maalaala Mo Kaya para ibahagi ang nakaka-inspire niyang buhay na hindi sumusuko sa hamon ng buhay para magtagumpay.

vuukle comment

NOVEN BELLEZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with