^

True Confessions

Ang Magkapatid (66)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAGDU-DUTY na si Ada bilang student nurse. Bahagi iyon ng kurso na dapat niyang ta­pusin para maka-graduate. Sa isang pampublikong ospital sila nagdu-duty. Sa ward ng mga matatanda napasabak si Ada.

Masaya siya sa unang araw nang pagdu-duty. Talagang feel niya ay isa na siyang nurse na nag-aasikaso sa mga maysakit na matanda, Mahirap ang trabaho pero ganoon ang gusto niyang trabaho. Napatunayan ni Ada na basta nasa puso ang trabaho, hindi mararamdaman ang hirap.

Nakita ni Ada kung gaano kahirap ang buhay ng mga pasyenteng naroon. Sa pagkukuwento ng mga pasyente at kanilang kaanak, matagal daw silang pumila para makakuha ng bed sa ward na iyon. Kailangang madaling araw ay naroon na para ma-admit. Ang iba ay pabalik-balik pero hindi ma-admit dahil walang bakante. Halos lahat ay nagbabaksakali na maipasok ang kanilang maysakit na ina o kapatid o tiyahin.

Karamihan sa matandang naroon ay may sakit na diabetes na nagkaroon ng kumplikasyon. Mayroong matanda na hinihika at hindi na halos makahinga. Mayroong matanda na namamanas ang mga binti.

Kapag napapagmasdan ang mga pasyente, naaalala ni Ada ang kanyang mama. Sana ay naalagaan niya ito noong nagkasakit. Sana ay hindi agad namatay para nakita ang kanyang ginagawang pagdu-duty. Sayang talaga!

Pag-uwi ng bahay, ikinukuwento ni Ada sa kanyang kuya ang mga nangyari sa ospital habang nagdu-duty.

“Mga matatanda ang inaalagaan namin, Kuya.’’

“Hindi ba makukulit?’’

“Hindi naman. Mayroong ngang kuwento nang kuwento. Mayroong gusto nang umuwi dahil hindi naman daw siya gumagaling.’’

“Mabuti at nakakaya mo ang pagdu-duty?’’

“Ito naman talaga ang gusto ko e. Enjoy ako Kuya.’’

“Palagay ko magiging mahusay kang nurse.’’

Napangiti si Ada.

Isang araw habang duty siya, may isang matanda na pinagkaguluhan sa ward. Nakiusyuso siya. (Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with