^

True Confessions

Ang Magkapatid (2)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

BIGLANG napasugod si Ipe sa kuwartong natatabingan ng bulakla-king kurtina nang marinig ang sigaw ni Ada na hindi na raw humihinga ang kanilang mama.

Hinawakan niya ang braso ng kanyang mama na nakahiga sa papag.

“Mama! Mama!’’

Sinalat ang bahaging may pulso. Walang tibok.

Bigla ang pasya ni Ipe. “Tatawag ako ng traysikel! Dadalhin natin si Mama    sa ospital!”

Mabilis siyang lumabas at tumakbo sa kalsada. Eksakto ang pagdaan ng isang traysikel. Tinawag niya.

“May dadalhin lang po sa ospital, Manong!’’

Mabait naman ang drayber. Sumama kay Ipe.

Nagtulung-tulong ang ilang lalaking kapitbahay para maisakay si Anna Rose sa traysikel. Kalong ni Ipe ang mama niya. Nakaangkas si Ada at isa pang lalaking kapitbahay.

Habang kalong ni Ipe ang kanyang mama ay masama na ang kutob niya. Tila wala na nga ang kanyang mama. Iniwan na nga yata sila ni Ada. Wala na siyang maramdamang tibok sa dibdib ng kanyang mama. Ayaw niyang umiyak. Hindi pa rin siya naniniwala na wala na ang kanyang mama. Ang mga doctor ang magsasabi kung wala na nga ang kanyang mama.

Nakarating sila sa ospital.

Agad dinala sa emergency room. Kinabitan ng mga aparato. Ni-revive ng isang doctor. Inulit-ulit. Nakatingin sina Ipe at Ada. Umiiyak si Ada.

Hanggang sa tumigil na ang doctor sa pag-CPR sa katawan ni Anna Rose. Bakas sa mukha ng doctor ang lungkot.

Nabasa iyon ni Ipe. Iisa ang ibig sabihin niyon, wala na ang kanyang mama.

Makalipas pa ang ilang minuto, kinumpirma na ng doctor. Dead on arrival.

Natulala si Ipe. Si Ada ay iyak nang iyak.

Makalipas ang kalahating oras, inilabas na ang bangkay ni Anna Rose. Tulala pa rin  si Ipe.

Iyak nang iyak si Ada.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with