^

True Confessions

Salome (179)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

GISING pa si Sir Hector at nasa salas nang dumating sina Mac at Salome.

Nang makita ni Sir Hector si Salome ay halatang-halata ang katuwaan nito.

Humalik si Salome kay Sir Hector.

“Aba mabuti at napadalaw ka Salome. Kumusta ka? Okey ba ang pagtuturo mo?’’

“Mabuti po. Masaya po ako.’’

“’Yan ang maganda. Kapag masaya ka sa trabaho, ibig sabihin, yan talaga ang para sa iyong trabaho at walang pumilit. Palagay ko, ikaw ang pinaka-mahusay na teacher sa school mo.’’

“Hindi naman po.’’

“Pagbutihan mo pa, Salome. Proud ako sa’yo.’’

“Salamat po. Pagbu­butihan ko pa po.’’

Nagsalita na si Mac.

“Dad, mayroon kaming­ sasabihin sa iyo ni Salome.’’

“Hmmm, huwag n’yong sabihin na nagmamahalan kayo at matutuwa ako…”

Nagtawa sina Mac at Salome.

“Bakit mo nalaman, Dad?’’

“Ibig mong sabihin, totoo ang sinabi ko?’’

“Opo Dad. Balak na nga naming magpa­kasal.’’

Napahagalpak nang tawa si Sir Hector.

“Akalain mo, tumama ang pagbibiro ko. Biro ko lang yun, Mac!’’

“Hindi naman kami nagbibiro Dad. Napag-usapan na namin ni Salome ang pagpapakasal.’’

“Aba, kung yan ang gusto n’yo e wala akong magagawa kundi suportahan kayo.’’

“Salamat, Dad.’’

“Sige, ihanda na natin ang kasal n’yo. Ako ang bahala sa lahat.’’

“Salamat, Dad.’’

“Pero ang pakiusap ko, kapag kasal na kayo, dito na kayo tumira. Malulungkot ako kapag iniwan n’yo ako rito. Gusto ko sama-sama tayo.’’

“Pangako Dad, dito kami titira, di ba Salome?’’

“Opo Sir Hector, dito kami titira.’’

“Daddy na ang itawag mo sa akin, mula nga­yon,” sabi ni Sir Hector.

(Tatapusin)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with