^

True Confessions

Salome (177)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

HINDI inaasahan ni Mac ang sagot ni Salome. Bakit ngayon lang daw niya sinabi na mahal niya ito. Ibig sabihin, may pagtingin din si Salome sa kanya.

Ang kasunod na sinabi ni Salome ang lalo pang nagpalinaw sa iisa ang nararamdaman nila.

“Noon ko pa hinihintay na sabihin mo sa akin na mahal mo ako, Mac. Matagal akong naghintay.’’

“Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas, Salome.’’

“Bakit?’’

“Baka biguin mo ako. Baka mabasted.’’

“Hindi mo pa sinusubukan, basted na agad ang naisip mo.’’

“Isa pa, baka isipin mong nagsasamantala ako. Siyempre ako ang nagdala sa iyo rito sa Maynila para magtrabaho.’’

“Ba’t ko naman iisipin na nagsasamantala ka e kilalang-kilala na kita. Bago pa tayo umalis sa amin, nararamdaman ko nang mabait ka.’’

“Talaga?’’

“Sasama ba ako sa’yo na nag-iisa kung wala akong tiwala. Kahit pa ipagtulakan ako ni Inay, hindi ako sasama sa’yo. Pati nga si Inay, tiwalang-tiwala sa’yo. Akalain mong kaisa-isa niyang anak e pinagkatiwala niya sa isang estranghero.’’

“Oo nga ano? Ang hina ng pakiramdam ko. Hindi ko nahalata na may damdamin ka sa akin. Kung nalaman ko agad, hindi na sana tumagal pa.’’

“Kasi’y ang pagla-lakad mo sa kung sa­an-saang lupalop ang inasikaso mo.’’

“Oo nga. Nagkamali nga ako sa prayoridad. Dapat ikaw ang inuna ko. Ang hina ng pakiramdam ko.’’

Umismid si Salome.

Sinuyo ni Mac.

“O huwag ka nang umismid. Mula ngayon, ikaw na ang priorities ko.’’

Nakaismid pa rin si Salome pero ha­latang umaarte lang. Nagpapatsarming lang.

“Para hindi ka magtampo, gusto mo magpakasal na tayo.’’

Napahagikgik nang mahina si Salome.

“Kasal na agad e hindi pa nga ako sumasagot sa’yo.’’

“E di sumagot ka na ngayon para makasal na tayo.’’

“Ang bilis naman yata, Mac?’’

“Kasi’y gusto ko nang magkapiling tayo.’’

“Hindi ka ba nagbibiro, Mac?’’

“Hindi, Salome. Hindi ako marunong magbiro.’’

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with