^

True Confessions

Salome (175)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

HINDI makapaniwala si Salome na matutupad ang pangarap niyang maging teacher sa isang sikat na school. Nasa high school department siya. Parang imposible na agad niyang makukuha ang inaasam. Pagkaraan ng mga hindi malilimu­tang karanasan niya sa kamay ni Mam Pilar, ngayon ay narito na siya at masayang nagtuturo. Masiglang-masigla siya at kuntento sa pagtuturo.

Makaraan ang ilang buwan, nagpaalam siya kay Sir Hector at Mac na lilipat sa isang apartment na malapit sa school na pinagtuturuan. Nahihirapan siyang mag-commute kung sa Earnshaw pa uuwi. Pinipigilan siya ni Sir Hector pero buo na ang pasya niya. Isa pa, nahihiya na siya kay Sir Hector at Mac.

“Sige kung ‘yan ang pasya mo, Salome. Para hindi ka na mahirapan sa pag-uwi,” sabi ni Sir Hector sa mababang boses.

“Pero si Inay po ay mananatiling maglilingkod sa iyo, Sir Hector. At saka madalas po akong dadalaw dito. Tuwing Sabado po at Linggo ay narito ako.’’

“Ganun ba? Sige. gusto ko nga ay magkakasama pa rin tayo. Magiging malungkot ang bahay na ito kapag tuluyan kang umalis.’’

“Hindi ko magagawang basta umalis, Sir Hector.’’

“Parang anak na rin kasi kita Salome.’’

Ngumiti nang buong tamis si Salome.

Nakatingin nang makahulugan si Mac.

 

ISANG hapon na lumabas ng school si Salome, nagulat siya nang makitang naghihintay sa kanya si Mac.

“Kanina ka pa?’’ tanong ni Salome.

“Oo.”

“Hindi ka man lang nag-text para alam ko. Sorry natagalan ako. May kinausap pa kasi akong co-teacher.’’

“Okey lang.’’

“Bakit mo ako pinuntahan?’’

“May sasabihin ako, Salome.’’

Hindi nakapagsalita si Salome.               (Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with