^

True Confessions

Salome (145)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

HABANG tinutungga ni Sir Hector ang alak sa baso ay paulit-ulit naman niyang naririnig ang mga sinabi ng kanyang anak na si Mac. Imbestigahan daw niya si Pilar at ang drayber nilang si Jeffrey. May milagro raw ginagawa ang dalawa.

Napahagikgik nang lihim si Sir Hector. Si Pilar at Jeffrey, may ginagawang kababalaghan. Nahuli nga raw ni Salome habang nagsi-sex a kuwarto. Parang hindi siya makapaniwala.

Punyetah! Hindi akoh pagtataksilan ni Pilar! Hindih iyon magagawah ni Pilar!

Uminom pa uli si Sir Hector. Marami na siyang naiinom. Pakiramdam niya’y umiikot na ang kanyang paligid. Pero kaya pa niyang umuwi. Kaya pa niyang sumakay ng taxi. Sayang, sana nadala niya ang sasakyan para wala siyang problema sa pag-uwi. Pero okey lang dahil marami namang taxi.

Umorder pa siya ng isang boteng beer. Pangsundot. Pagkatapos ay uuwi na siya. Baka hinihintay na siya ni Pilar. Hindi siya nagpaalam dito dahil makikipagkita nga siya kay Mac. Baka kung sinabi niya kay Pilar na makikipagkita siya kay Mac ay baka hindi siya payagan. Magkaaway si Pilar at Mac. Malaki ang pagtutol ni Mac kay Pilar. Kahit ilang beses niya itong pinakiusapan na makipagbati at tanggapin na lamang si Pilar ay walang nangyari. Matindi ang galit ni Mac kay Pilar. At dahil galit, kung anu-ano ang iniimbentong istorya ni Mac para kay Pilar.

Nang maubos ang alak, ipinasya na ni Sir Hector na umuwi. Kaya pa niya. Tuwid pa ang lakad niya. Malinaw pa ang tingin niya. Medyo nga lang nagbubuhol ang dila niya.

Paglabas niya ng bar ay isang taxi na ang nag-aabang. Ikinuha siya ng taxi ng waiter na nagsilbi sa kanya. Inabutan niya ng pera ang waiter.

Sa likuran siya naupo. Sinabi niya sa taxi driver kung saan siya dadalhin. Sumibad ang taxi.

Mabilis siyang nakarating. Hindi na niya kinuha ang sukli sa P500 na iniabot sa driver. Tuwang-tuwa ang driver.

Binuksan niya ang gate. Nang makapasok, una agad napansin niya ay walang Chedeng sa kinapaparadahan nito. Nasaan ang Chedeng? Luminga-linga siya para hanapin. Wala talaga. Lasing na yata siya. Saan napunta ang Chedeng?

Hanggang sa hindi na niya ito binigyang pansin. Baka lang nasa likod ang Chedeng. Inaantok na siya. Pagpasok sa salas, sa sopa na siya natulog.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with