^

True Confessions

Salome (142)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“B-BAKIT Jeffrey?’’ tanong ni Amy na bakas sa boses ang pagkagulat sa pagtawag sa kanya ng lalaki.

Lumakad palapit si Jeffrey.

“Narinig ko ang usapan n’yo ni Rocco nung isang gabi. Si Rocco pala ang nagpatakas kay Manang Sabel ano?’’

Nakatingin lang si Amy kay Rocco. Hindi siya makatanggi sa sinabi  nito. Narinig pala ng kumag ang pag-uusap nila ni Rocco. Bukas pala ang pinto nang mga sandaling iyon.

“Gulat na gulat si Pilar kung bakit nakatakas si Manang Sabel. Iyon pala ang adik-adik na Rocco ang nagpatakas, he-he-he!’’

Nainis si Amy sa sinabi na adik-adik si Rocco. Kahit adik si Rocco, mahal niya ito.

“Tarantang-taranta si Pilarsky nang malamang wala na ang matanda sa kuwarto. At alam mo Amy, ikaw ang pinaghihinalaan ni Pilar na nagpatakas sa matanda. Kaya mag-ingat  ka at baka isang gabi ay mayroong magtangka sa’yo.’’

“Alam ko nang pinagbibintangan ako ni Mam Pilar pero nagpaliwanag na ako. Sabi ko, hindi ko magagawa ‘yun.’’

“Ah ganun ba?’’

“Oo. Late ka na kasi sa balita.’’

Napahagikgik si Jeffrey.

“Pero siguro hindi pa late yung nakita ko na pinapasok mo si adik-adik dito sa kuwarto mo. Anong ginawa n’yo Amy?’’

“Ha? A e…’’

“Ano? Anong ginawa n’yo?’’

“Wala.’’

Napahagikgik uli si Jeffrey. Parang sa demonyo ang hagikgik.

“Wala? Wala kayong ginawa?’’

“Oo.’’

“Baka puwede mo rin akong papasukin sa kuwarto mo, Amy. Wala naman tayong gagawin.’’

“Ano?’’

“Papasukin mo rin ako, Amy. Wala naman tayong gagawin.’’

“Ayoko!’’

“O baka naman gusto mong malaman ni Mam Pilar na mayroon kayong lihim ni adik-adik. Tiyak na magwawala si Mam.’’

Namutla si Amy. Bina-blackmail siya ng ugok na ito at saka siya mamanyakin. Grabe pala ito na hindi na nakuntento kay Mam Pilar.

‘‘Ano Amy? Papasukin mo na ako! Sandali lang naman. Mga fifteen mi-nutes lang.’’

Hindi malaman ni Amy ang gagawin.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with