^

True Confessions

Salome (139)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

HINAYANG na hina­yang si Jeffrey nang isara ni Amy ang pinto ng kuwarto. Walang nagawa si Jeffrey kundi umalis at nagtungo sa kanyang kuwarto.

May “kakatihan’’ din pala ang maid na si Amy, nasabi niya sa sarili. May milagro­ palang ginagawa sa kuwarto niya at si Rocco ang kapiling!

Humanda ka Amy at malapit ka na ring tumalsik dito. Antipatiko pala ako sa tingin niya. Kapag nalaman ni Pilar ang ginagawa nila, tapos ang maliligayang araw n’yo ni Rocco!

Nag-isip si Jeffrey. Puwede na niyang sabihin kay Mam Pilar ang natuklasan. Pero huwag muna. Titikman muna niya si Amy. Mahilig din lang siyang pumatol sa kung sinu-sino. Siguro naman, papayag si Amy. Kapag hindi siya pumayag, iba-blackmail niya. Sasabihin niya rito na bis­tado na ang lihim nila ni Rocco. Sasabihin din niya na si Rocco ang nagpatakas kay Manang Sabel. Tiyak na mangangatog sa takot si Amy, ha-ha-ha!

Pagkatapos niyang matikman, saka niya ito isusumbong kay Mam Pilar. Talsik siya sigurado rito, ha-ha-ha! Kapag wala na si Amy, ang adik-adik na lamang  na si Rocco ang problema.

Pero kailangang magawa na niya ang utos ni Pilar. Kaila­ngang mawala sa landas nila si Hector. Kapag nawala si Hector, instant milyonaryo siya. Nagtawa nang lihim si Jeffrey.

NANG mga sanda­ling iyon ay mabigat ang iniisip ni Mac. Nag-aalala siya sa kalaga­yan ng kanyang daddy. Ngayong nalaman niya na may karelasyon ang asawa nitong si Pilar, maaaring may binabalak na ang mga ito sa kanyang daddy. Kailangang maka­usap na niya ito. Ipagtatapat niya ang lahat nang nalaman mula kay Salome.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with