^

True Confessions

Salome (118)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

PAGDATING ni Mac sa bus terminal sa bayan, agad niyang tinawagan si Salome.

“Salome, ngayon ko lang nabasa ang mga text mo. Malayo ang narating kong lugar at walang masagap na signal. Ano itong tinext mo na nanganganib ang buhay mo?’’

“Gusto akong ipapatay ni Mam Pilar! Nadiskubre ni Manang Sabel na dalawang lalaki ang inupahan ni Mam Pilar para ako barilin. Pero si Amy ang nabaril at hindi ako. Napagkamalan si Amy.’’

“Teka naguguluhan ako. Bakit ka ipapapatay ng asawa ng daddy ko? Anong dahilan?’’

“Kasi’y nahuli ko si Mam Pilar na may ginagawa kasama ang driver.’’

Hindi makapagsalita si Mac. Lalo siyang naguluhan.

“Anong ginagawa? At bakit may driver na si Tita Pilar?”

“Kumuha siya ng driver habang wala rito ang daddy mo at nasa ibang bansa. May relasyon si Mam Pilar at ang driver. Iyon ang dahilan kaya gusto nila akong ipapatay. Nahuli ko sila sa akto.’’

“Nakaka-shock ito, Salome. Marami na talaga akong hindi alam. Malayo na nga ang narating ko kaya wala na akong alam sa mga nangyayari.’’

“Siyanga pala, umalis na ako sa bahay ng daddy mo. Si Manang Sabel ang nagpayo sa akin na umalis para hindi raw ako mapahamak.’’

“Nasaan ka ngayon?’’

“Narito sa bahay ng ka­ibigan ni Manang Sabel --- si Manang Oya.’’

“Paano ang pag-aaral mo?”

“Tuloy pa rin pero doble ingat ako.’’

“Ganyan nga ang gawin mo. Delikado nga ang buhay mo sapagkat hindi titigil si Tita Pilar hangga’t hindi ka napapatahimik.’’’

“Pero mayroon pang ma­laking problema Mac. Ito ang mabigat kaya kailangan ko ang tulong mo. Ikaw na lamang ang makakatulong sa akin.’’

“Ano yun?’’

“Nang dumating ang daddy mo, napaniwala siya ni Mam Pilar na  ako ang bumaril kay Amy at hindi riding-in-tandem. Pinalabas pa na babarilin ko si Mam Pilar pero iniharang ni Amy ang sarili kaya siya ang nabaril ko,” hanggang sa humikbi si Salome. Umiyak na ito. “Bakit nila ako ginaganito, Mac. Wala naman akong ginagawang masama sa kanila.’’

“Huwag kang matakot o mag-worry, Salome. Paparating na ako. Mag-ingat ka lang.”

“Pati ang daddy mo ay hinahanap na rin ako. Mabubulok daw ako sa bilangguan.’’

“Ako ang bahala. Hintayin mo ako, Salome.’’

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with