^

True Confessions

Salome (117)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

TINAPOS ni Mac ang pakikipaglaban sa apat na drug addicts. Hindi na kailangang bigyan pa ng pagkakataong sumalakay pa ang mga ito. Kung siya na mayroong kaunting kaalaman sa martial arts ay tinakot ng mga ito, paano pa ang mga mahihina at mga babae.

Nang akmang babangon pa ang pinaka-­grupo para gumanti, pinasadahan uli niya ito ng palo. Iyon ang mga pamatay na palo para ma-disabled ang kalaban. Kailangang gawin iyon para mapangalagaan ang sarili.

Bulagta ang apat. Hindi makabangon sa dami ng mga tama.

Saka lamang nakadama ng pagod si Mac. Humingal siya. Sa totoo lang, iyon ang una niyang enkuwentro pagkaraan nang matagal na panahong pag-aaral ng arnis de mano. Ang sports na matagal-tagal din niyang na-master ay nagkaroon ng kabuluhan.

Makalipas ang limang minuto, may nagdatingang mga lalaki. Nagpakilalang mga barangay tanod. Nabalitaan daw nila ang nangyayari dahil sa isang lalaki na nakakita.

“Mga drug addict po ang mga ‘yan Sir,” sabi ng isa sa mga tanod. “Yung lider nila pusher pa. Matagal na namin silang sinusubaybayan dito pero hindi namin matiyempuhan. Nga­yon, puwede na namin silang ibigay sa mga pulis. Tamang-tama po na may kampanya laban sa illegal drugs ang pamahalaan.’’

“Baguhan lang po ako rito. Ako po si Mac. Taga-Maynila. Isang hiker.’’
“Siguro po Sir bago ka pumasok sa isang lugar ay magpakita ka sa barangay. Ito po kasing lugar na ito ay notorious sa dami ng drug pusher addict. May inpormasyon po na dito sa baybaying dagat. Binabagsak ang shabu. Delikado po rito Sir.’’

“Salamat po sa paalala.’’

Nagpaalam na si Mac makaraang makuha sa kanya ang ilang inpormasyon.

Patuloy na naglakad si Mac palabas ng barangay na iyon na drug infested pala.

Hanggang sa makarating siya sa bayan.

Nang muli niyang i-check ang kanyang cell phone, may signal na ito.

Saka lamang niya nabasa ang mga text ni Salome. Sunud-sunod ang text na nagsasabi ng mga nangyari. At ang nakapagpakaba kay Mac ay ang sinabi ni Salome na delikado ang buhay nito.

Hindi na nag-aksaya pa ng panahon si Mac. Uuwi na siya ng Maynila. Mukhang nasa panganib nga si Salome.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with