^

True Confessions

Salome (89)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

MARAMING “kababalaghan” ang nangyayari sa bahay na ito, naisip ni Manang Sabel. At nangyari ito mula nang maging asawa ni Sir Hector si Mam Pilar. Noong hindi pa nagsasama sina Sir Hector at Mam Pilar, okey naman ang takbo ng buhay ng mag-ama --- Mac at Hector. Doon pa sila nakatira sa lumang bahay sa Bustillos. Magandaa ang samahan at walang namamagitang iringan sa mag-ama. Pero nang magpasyang mag-asawang muli si Sir Hector, nagsimula na ang kaguluhan. Hindi gusto ni Mac si Mam Pilar para sa ama. Pero sa kabila nang pagtutol ni Mac, hindi siya pinakinggan ng ama. Pinakasalan pa rin nito si Mam Pilar. Dito nga sa bahay na ito sa Balete Drive, itinira si Mam Pilar. Si Mac ang tumira sa bahay sa Bustillos at mula noon madalang pa sa patak ng ulan kung mag-usap ang mag-ama. Inilayo na ni Mac ang sarili sa ama at nahilig sa hi­king. Ang paglalakad sa malalayong lugar ang napagbuntunan ng pansin ni Mac.

Ang isang mabu­ting nagawa ni Sir Hector ay ang pagpayag nito sa pakiusap ni Mac na tanggaping maid si Salome at pinag-aral pa. Ipinagtanggol ito kay Mam Pilar. Gusto ni Mam Pilar na mapalayas si Salome.

Naisip ni Manang Sabel, may naga­wang kabutihan si Sir Hector kay Salome. Hindi nito nagawang tanggihan ang pakiusap ng anak. Nga­yong pinagtataksilan ni Mam Pilar si Sir Hector, gusto niyang ibulgar ang kasalanang iyon. Pero paniwalaan naman kaya siya ni Sir Hector. Duda siya.

Inilihim muna ni Manang Sabel ang kataksilan ni Mam Pilar. Maski kay Salome ay hindi muna niya sasabihin. Saka na lang.

NAIINIS si Amy kay Rocco. Parang wala nang interes ito sa kanya. Nagsawa na agad sa alindog niya. At pakiramdam ni Amy, si Salome ang gusto ni Rocco. Makaraan siyang tuhugin, si Salome naman ngayon ang gustong matuhog.

Kumulo na naman ang dugo niya kay Salome. Gusto na niyang mapalayas ito pero papaano.

Nag-isip siya. Ka­ilangang mapalayas na ang landitang si Salome.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with