^

True Confessions

Salome (57)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

AGAD niyang sinabi kay Manang Sabel ang mga kinatatakutan sa pagda­ting ni Mam Pilar. Wala siyang ibang mahihingian ng tulong kundi si Manang Sabel. Nakakahiya kung si Mac pa ang tatawagan niya para humingi ng tulong.

“Paano po kung malaman ni Mam Pilar na nag-aaral ako Manang Sabel. Halimbawa po ay mahuli niya ako.’’

“Sabihin mo ang totoo na si Sir Hector ang nag­sabi o nag-utos sa iyong mag-aral.’’

“Paano po kung sabihin na tumigil na ako sa pag-aaral?’’

“Sabihin mong si Sir Hector lamang ang ma­aaring magsabi niyon.’’

“Masabi ko kaya yun Manang. Baka mag-asawang sampal ang ipadapo sa akin.’’

“Huwag kang pasasampal. Sobra na kung sasaktan ka. Umiwas o umilag ka. Huwag kang papayag na mailapat ng babaing iyon ang palad sa iyong pisngi.’’

“Opo Manang Sabel.’’

“Kaya kapag papasok ka sa hapon, mag-obserba ka muna at baka inaabangan ka.’’

“Sa palagay mo po isusumbong na ako ni Amy kay Mam Pilar?’’

“Malakas ang kutob ko. Si Amy nga ang “mata” rito. Para maging malakas, sisipsip siya nang todo kay Mam Pilar.’’

Napahinga nang mala­lim si Salome.

“Basta mag-ingat ka na huwag mahuhuli ni Mam Pilar.’’

“Opo Manang.’’

 

PERO nahuli rin si Salome.

Isang hapon, ingat na ingat siya sa paglabas sa bahay para pumasok sa school. Pero nang lalabas na siya, bumulaga sa kanya si Mam Pilar. Huling-huli siya. Walang kawala. Kitang-kita na naka-uniporme siya.

Parang machine gun ang bunganga ni Mam Pilar.

“Nahuli rin kita! Ang kapal naman ng mukha mo. Nag-aaral ka sa oras ng trabaho.’’

Hindi makasingit si Salome. Ito na ang kinatatakutan niya.

“Sino ang maysabing mag-aral ka?’’

“Si Sir Hector po.’’

“Si Hector?’’

“Opo.’’

“Punyeta talaga!’’

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with