^

True Confessions

Salome (56)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

TATLONG araw ang nakalipas, dumating na sina Mam Pilar at Sir Hector mula sa pagtu-tour sa Europe.

Nagulat si Salome nang may biglang bumusina sa gate. Nakita niya ang Chedeng na nasa harap ng gate. Walang tigil sa pagbusina. Halatang pinabusinahan ni Mam Pilar para magmadali.

Nagtatakbo si Salome para buksan ang gate. Alam niyang ma­yamutin si Mam Pilar kapag hindi agad nabuksan ang gate.

Binuksan niya ang gate. Nakita niyang bukas ang bintana ng kotse at nakadungaw doon si Mam Pilar. As usual, nagmumura na naman.

“Ang bagal mo Salome! Bingi ka ba at hindi mo agad narinig ang busina! Bilisan mo!’’

Niluwangan niya ang bukas ng gate. Pumasok ang Chedeng. Nang makapasok, agad niyang sinara ang gate.

Natanaw niyang nasa harap na nang main entrance ang Chedeng at bumababa si Mam Pilar.

Nagbalik si Salome sa ginagawa. Inaalis niya ang mga damo na nasa paligid ng mga punong dwarf coconut.

Mula sa kinaroroonan ay natatanaw niya ang ibi­nababang mga maleta at iba pang gamit nina Mam Pilar at Sir Hector.

Mamayang hapon ay papasok siya sa school. Sana hindi siya mati­yempuhan ni Mam Pilar habang paalis. Tiyak na mumurahin siya kapag nalamang nag-aaral siya. Sasabihin niyang si Sir Hector ang nagsabing mag-enroll siya.

Ang ikinatatakot pa niya, baka isumbong siya mismo ni Amy kay Mam Pilar. Sabi ni Manang Sabel, si Amy ay sipsip kay Mam Pilar.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with