^

True Confessions

Salome (52)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

PERO naramdaman ni Amy ang yabag nang papalapit na si Rocco. At saka bigla niyang inayos ang na­kalislis na palda ng kan­yang uniporme. Ibinaba niya ang laylayan. Hindi niya namalayan na nakabuyangyang na ang kanyang puwit. Nakita kaya ni Rocco.

‘‘Ay si Rocco pala! Kanina ka pa diyan, Roc?’’

‘‘Hindi!’’

‘‘A akala ko kanina ka pa.’’

Nanatiling naka­tingin sa kanya si Rocco. Parang sa tingin niya ay namumula ang mga mata nito. Naalala niya ang nakita sa halamanan --- sa may punong santol kung saan ito nagsa-shabu. Hindi kaya sabog si Rocco kaya mapula ang mga mata.

Hanggang magsa­lita si Rocco.

“Uli-uli, kapag pinabili kita ng beer e huwag mong ilalagay sa pintuan ha? Kung mayapakan ko yun e di natapon ang beer at wala akong ininom. Sa sunod ha, huwag mong ilalagay dun.’’

Tameme si Amy. Bakit nga ba sa pintuan niya nilagay ang beer? Mabuti at hindi natapakan.

“Kasi Roc, kinakatok kita pero hindi mo yata naririnig. Kaya iniwan ko na lang.’’

‘‘Sa sunod huwag mong iiwan ha?’’

“Oo Roc, hindi ko na iiwan sa pintuan.’’

“Ganyan nga. Pero grabe ang hang-over na inabot ko. Sakit sa ulo! Apat na bote lang e parang binibiyak ang ulo ko.’’

“Gusto mo nang ma­ligamgam na tubig na panghilamos o black coffee.’’

“Sige, black coffee na lang. Dalhin mo sa kuwarto ko.’’

“Okey Roc.’’

Umalis na si Rocco. Nagtungo sa kuwarto.

Nagtungo naman sa kitchen si Amy at nagpatimpla ng kape kay Manang Sabel.

“Para kanino Amy?’’

“Kay Rocco. May hangover yata.’’

‘‘Hindi naman umiinom ng kape yun ah!’’

“Gusto raw niya black coffee.’’

Nagtimpla si Manang Sabel.

Dinala ni Amy sa kuwarto ni Rocco ang umuusok na kape sa mug. Nasamyo ni Amy ang aroma.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with