^

True Confessions

Salome (51)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

MUKHANG may itinatago ring kalandian si Salome, naisip ni Amy habang patuloy na nagpupunas ng sahig sa salas. Baka sinasabi lang ni Salome iyon para maipagyabang na mayroon ding nagkakainteres sa kanya. Napahinga si Amy.  Tumigil sa pagpupunas. At ano naman kaya ang dahilan at nakikipag-usap ito kay Mac noon sa gate. Natatandaan niya, nahuli niyang nag-uusap si Salome at Mac nang minsang magtapon siya ng basura. Kunwari ay hindi niya napapansin ang dalawa pero sa sulok ng kanyang mga mata ay nakikita niyang seryoso ang pag-uusap ng mga ito. Hindi naman niya marinig ang pinag-uusapan.

May relasyon kaya ang dalawang iyon? Pero sabi ni Salome, wala raw. Tinulungan lang daw siya ni Mac na maipasok dito bilang maid. Ang daddy ni Mac na si Sir Hector ang tumanggap kay Salome at alam niya, nagalit si Mam Pilar dahil hindi ito nakunsulta sa pagkuha kay Salome. Kaya mainit ang ulo ni Mam Pilar kay Salome.

Pero naisip ni Amy, magkakagusto ba si Mac kay Salome gayung maid lang ito? Alam niya, mataas ang pinag-aralan ni Mac. Parang mahirap paniwalaan na gugusto ang isang tulad ni Mac kay Salome.

Pero naisip din naman ni Amy, baka kaya pilit na nag-aaral si Salome ay para hindi siya kahiya-hiya kay Mac. Hmmm. Nasa third year na raw si Salome at pagtuturo ang course.

Napaismid pagkatapos si Amy. Ano ba kung nag-aaral si Salome? Mas maganda naman siya kaysa rito. Mas sexy siya.

Sa kaiisip nang kung anu-ano, ay hindi napapansin ni Amy na nabubulislisan na siya habang nakaluhod at nagpupunas ng sahig. Nakikita na ang kanyang panty. Pero patuloy pa rin siya sa pag-iisip ng kung anu-ano kay Salome. Sa totoo lang, naiinggit siya kay Salome.

Walang kamalay-malay si Amy na nakikita ni Rocco ang nasa ilalim ng paldang nabulislis.

Hindi kumukurap si Rocco. Halos lumuwa ang mga mata sa nakita. Nawala ang sakit ng ulo dala ng ininom na apat na beer kagabi.

Patuloy naman si Amy sa pagpupunas ng sahig. Inaalagaan niyang punasan ang sahig sa salas sapagkat ayaw ni Mam Pilar na may makitang alikabok o kahit katiting na dumi roon.

Humakbang si Rocco papalapit sa nakatalikod na si Amy. Dahan-dahan.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with