^

True Confessions

Salome (50)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAKONTAK ni Salome si Manang Sabel.

“Manang Sabel si Salome po ako.’’

“O Salome, anong nangyari? Nasaan ka?’’

“Malapit na po, Manang. Salubungin mo po kami ni Amy sa gate at mayroon ka­ming dalang mabigat. Hindi po namin kaya. Sige po Manang. Ma­lapit na kami.’’

“Oo. Lalabas na ako.’’

Isinara ni Salome ang CP. Tumingin kay Amy pagkatapos.

“Bakit nagpapasalubong ka pa, Salome? Ang gaan naman nito.’’

“Mabigat ‘yan. Apat na bote di ba?’’

“Kayang-kaya ko naman ito. Inabala mo pa si Manang Sabel. Baka natutulog na ‘yun.’’

Hindi nakakaha­lata si Amy na kaya tinawagan ni Salome si Manang Sabel ay para mapigilan si Rocco sa anumang gagawin nito. Sabi ni Amy kanina, galit sa kanya si Rocco dahil hindi siya makita para pabilhin ng beer. Kung naroon si Manang Sabel hindi nito magagawa ang anu­mang balak.

Pero nagtaka si Salome nang hindi makita si Rocco sa gate at sa halip, si Manang Sabel ang naroon.

“Wala naman si Rocco,” sabi ni Salome.

“Baka nainip na. Ka­nina, galit na galit eh.’’

Nang makalapit sila sa gate ay agad nagtanong si Salome kay Manang Sabel.

“Nasaan po si Rocco­, Manang?’’

“Wala naman akong nakita rito.’’

“Baka nainip na,” sabi ni Amy. “Galit nga kasi dahil hinahanap ka, Salome.’’

Nagtinginan sina Sa­lome at Manang Sabel.

“Dadalhin ko na itong beer sa kuwarto niya,” sabi ni Amy.

Nagtinginan uli si Salome at Manang Sabel.

Dinala ni Amy ang beer sa kuwarto ni Rocco. Kumatok siya. Walang sagot. Baka tulog na. Hindi na siya kumatok. Baka may ginagawa.

Iniwan na lamang niya ang beer sa may pintuan. Makikita agad ito kapag binuksan ang pinto.

 

PALAISIPAN kay Amy ang mga sinabi ni Salome na pinagnanasaan siya ni Rocco. Pinatigil pa raw sa ginagawa para makipagkuwentuhan. Sa halamanan pa ang gusto. Totoo kaya ang sinabi ni Salome? Hmmm.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with